2,712 total views
Inilunsad ng West Philippine Sea: Atin Ito! Movement ang ‘West Philippine Sea Rap challenge’ upang ipakita ang talento ng Pilipino at higit na manindigan laban sa teritoryong patuloy na inaangkin ng China.
Simula ngayong araw ng August 11, sa loob ng isang buwan ay inaanyayahan ang mga aspiring rappers na magpasa ng kanilang mga likhang kanta gamit ang instrumental version ng kantang ‘TERITORYO’ ng Rap Group na ‘Moro Beats’.
Ayon kay Atin Ito Lead Convenor Rafaela David, layon ng patimpalak na higit pang maabot ang mas maraming Pilipino at mapalawak ang kamalayan sa paninindigan para sa West Philippine Sea na inaangkin ng Tsina.
“The defense of our seas is not only fought on the waves, but also in our words, art, and music. Through this challenge, we turn rhythm into resistance and lyrics into a call for unity,” ayon sa mensahe ni David na pinadala sa Radyo Veritas ng Atin Ito Movement.
Naniniwala din si Atin-ito Co-Convenor Edicio Dela Torre na ang paglulunsad ng patimpalak ay pamamaraan upang maipagpatuloy ang makulay na sining ng ibat-ibang estilo ng pagkanta at higit na maabot ang mas maraming kabataan.
Inihayag naman OPM Singer Noel Cabangon na bukod sa sining ay kasabay na naisusulong ng inisyatibo ang pagka-makabayan ng bagong henerasyon ng mga artists at mga Pilipino.
“Music moves hearts and minds. By blending the artistry of Morobeats with the patriotic call to defend the West Philippine Sea, we are showing that art can be both beautiful and brave,”he stressed,” bahagi naman ng mensahe ni Cabangon na pinadala ng Atin Ito Movement sa Radyo Veritas.
Ang mga nais sumali ay maaring magpasa ng kanilang mga likha sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang likha sa mga online platforms ng Facebook Reels, Tiktok, Instagram Reels at Youtube Shorts kung saan sa pag-upload ay siguraduhin na kasama sa descriptions ang hashtags #TeritoryoRapChallenge at #WPSAtinIto.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paninindigan na teritoryo ng Pilipinas ang WPS.