It’s not the proper time. It’s not the proper reason

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,560 total reads

Ito ang mariing pahayag ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Stewardship, bilang pagtutol sa mungkahing pagkakaroon ng reporma sa Saligang Batas.

Un ng nanawagan si Deputy Speaker Ronaldo Puno, sa pagsasagawa ng constitutional convention (Con-Con) para repasuhin at ayusin ang 1987 Konstitusyon sa layuning alisin ang mga malabong probisyon at mga kakulangan na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng publiko.

Kabilang sa inihalimbawa ng mambabatas ang salitang ‘forthwith’ kaugnay sa usapin ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, k ung saan nagkaroon ng magkaibang pakahulugan ang dalawang kapulungan ng Kongreso at ilang mga eksperto sa batas.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi sapat na dahilan ang isang maliit na hindi pagkakaunawaan sa interpretasyon ng salita upang buksan muli ang Konstitusyon.

“Actually, maliwanag naman ang forthwith na ‘yun kung talagang gusto nilang gawin. Ang konstitusyon ay isang mahalagang dokumento para sa ating basehan ng lahat ng mga batas at hindi dapat pinaglalaruan ‘yan dahil sa konting hindi pagkakaunawaan,” paliwanag niya.

Iginiit ng Obispo na hindi ang Konstitusyon ang may problema kundi ang pag-unawa at pagsunod ng ilang mambabatas dito.

Nilinaw ng Obispo na maliban sa hindi makatwiran ang dahilan, mabigat din ang magiging gastos at posibleng magamit ang pagbubukas ng Saligang Batas para sa pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.

“Problema lang d’yan, may pera ba ang gobyerno para sa ConCon? Pangalawa, kapag buksan pa ang Constitution, lahat ng kwan sa gobyerno natin ay mabubuksan na rin ano? Kaya maaring ‘yan ay gamitin ng tao para sa pagpapahaba ng termino ng mga nasa Kongreso, ng mga presidente,” ayon sa pahayag ng obispo sa panayam ng Radyo Veritas.

Muling iginiit ni Pabillo na dapat manatiling iginagalang at sinusunod ang Konstitusyon, at huwag basta-bastang baguhin dahil lamang sa maliit na usapin.

Bukod kay Bishop Pabillo, ilan ding mga pinuno ng simbahan ang nagpahayag ng agam-agam sa posibleng reporma sa Konstitusyon sina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Antipolo Bishop Ruperto Santos at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo-chairman ng Caritas Philippines.

Naniniwala naman ang mambabatas na ang Konstitusyon, bilang pangunahing batas ng bansa, ay dapat maging malinaw, matatag, at madaling maunawaan ng hukuman, mambabatas, at mamamayang pinangangalagaan nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,376 total reads

 23,376 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,469 total reads

 57,469 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 93,952 total reads

 93,952 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,163 total reads

 112,163 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,258 total reads

 195,258 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top