Taimtim na debosyon sa Our Lady of Peñafrancia, panawagan ng simbahan sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,530 total views

Nanawagan si Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia Vice Rector Fr. Jene Lois Sarmiento sa mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na panatilihin ang taimtim na debosyon sa Mahal na Ina sa nalalapit na paggunita ng taunang Peñafrancia Festival.

Ayon sa Pari, dapat na muling mapagnilayan ng bawat deboto na ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia ay sumasalamin rin sa kung paano dapat minamahal at ginagalang ng bawat isa ang kanilang Ina.

Pagbabahagi ni Fr. Sarmiento, sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga deboto kada taon ay kapansin-pansin din ang kaguluhan na nagaganap sa paggunita ng kanyang kapistahan.

Ipinaliwanag ng Pari na nais ng Simbahan partikular na ng Arkidiyosesis ng Caceres na muling maibalik ang tunay na diwa at puso ng debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia na may lubos na paggalang sa Mahal na Ina.

“Our devotion to Ina must reflect how we treat our mothers, with respect and love. The number of devotees grows each year, but so does the chaos. The Archdiocese desires to bring everyone back to the true heart of devotion, which is reverence.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Sarmiento.

Ang naturang pahayag ng Pari ay kasunod ng inisyal na pagpupulong ng mga opisyal ng Simbahan at kinatawan ng mga ahensya at local na pamahalaan sa Naga City para sa paghahanda sa taunang paggunita ng Peñafrancia Festival sa Setyembre.

Ika-31 ng Hulyo, 2025 ng opisyal na magsimula at muling binuo ang Joint Operation Center (JOC) Executive Committee para sa nalalapit na Peñafrancia Festival na binubuo ng Simbahan, lokal na pamahalaan at mga ahensya ng Naga City na inaasahang mangangasiwa para sa kaayusan sa seguridad ng taunang kapistahan.

Inaasahan namang nakatakda sa ika-18 ng Agosto, 2025 ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Arkidiyosesis at ng lokal na pamahalaan ng Naga para sa magkatuwang na pangangasiwa sa kaayusan, kasagraduhan at kapayapaan ng nakatakdang Peñafrancia Festival.

“This MOA solidifies our shared responsibilities and ensures clarity in our collaboration,” Dagdag pa ni Fr. Sarmiento.

Matatandaang una ng binigyang diin ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na mahalaga ang pagtutulungan ng Simbahan at ng lokal na pamahalaan upang matiyak na mapangalagaan ang mahigit sa 300-taong debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia na naging bahagi na din ng tradisyon at kultura sa Bicol region.

Bukod sa Our Lady of Peñafrancia, natatangi rin ang debosyon ng mananampalataya ng Bicol Region sa Divino Rostro na nagpapaalala sa hindi matatawarang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Napiling tema ngayong taon ang “Our Lady of Peñafrancia: Mother to All.” na layuning higit na mapalawak ang debosyon sa liwanag at mapagkalingang yakap ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at mapagmahal na proteksyon ng Divino Rostro.

Nakatakda ang 143rd Feast of Divino Rostro sa ika-12 ng Setyembre, 2025 habang nakatakda naman ang 315th Feast of the Solemnity of Our Lady of Peñafrancia sa ika-21 ng Setyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 19,251 total views

 19,251 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 69,935 total views

 69,935 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 76,064 total views

 76,064 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 105,531 total views

 105,531 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 123,321 total views

 123,321 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top