Babaeng vlogger na lumapastangan sa holy water font, ipinaubaya ni Archbishop Jumoad sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,983 total views

Ipinapasa-Diyos na lamang ni Ozamis Archbishop Martin S. Jumoad ang babaeng vlogger na lumapastangan sa holy water font ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental na dahilan upang pansamantalang ipasara ang Simbahan dahil sa sacrilege noong ika-5 ng Agosto, 2025.

Ito ang pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas matapos ang muling pagbubukas sa Simbahan noong ika-16 ng Agosto, 2025 -makaraang maisagawa ng mga mananampalataya sa parokya ang mga naaangkop na Acts of Reparation.

Ipinaliwanag ni Archbishop Jumoad na tanging ang Panginoon lamang ang tunay na nakakakita sa kadalisayan ng puso ng bawat isa at siyang makakaalam kung taos-puso ang pagsisisi nito sa kanyang nagawang kasalanan.

Ibinahagi ng Arsobispo na tanging sa pamamagitan ng kanyang vlog at pagbibigay ng mga panayam humingi ng patawad ang babaeng vlogger sa kanyang ginawang paglapastangan sa Simbahan.

“I think she has done it [apology] through her vlog and siya po ay nagpa-interview, I know that God is more merciful and God also will see our heart that we are really sincere in our repentance of our sins.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Jumoad sa Radyo Veritas.

Makalipas ang 11-araw mula ng ipasara ng Arsobispo ang Simbahan noong ika-5 ng Agosto, 2025 ay nakatuwang ni Archbishop Jumoad sa pagdiriwang ng banal na misa at rito ng pagbubukas at reconsecration sa Simbahan noong ika-16 ng Agosto, 2025 ang mga pari ng Arkidiyosesis ng Ozamis na dinaluhan naman ng mga mananampalataya ng parokya na lubos ang pasasalamat sa muling pagbubukas ng kanilang Simbahan.

Kabilang sa itinakdang acts of reparation bago muling pinahintulutan ang pagbubukas ng Simbahan ang pagsasagawa ng Holy Hour, pangungumpisal ng mga mananampalataya sa parokya, at pagsasagawa ng siyam na araw na Prayer Vigil na nagsimula noong ika-7 ng Agosto, 2025 upang hingin ang awa ng Diyos, ituwid ang kasalanang ginawa laban sa kabanalan ng Simbahan, at ipanalangin ang kagalingan at pagpapanibago matapos ang naganap na paglapastangan sa Simbahan.

Sa muling pagbubukas ng Simbahan ay inatasan ni Archbishop Jumoad si Rev. Fr. Rolly Lagada –ang kura paroko ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez katuwang ang parochial vicar ng Simbahan na si Rev. Fr. Rommel Rudinas na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng katesismo sa mga mananamapalataya kaugnay sa pagbibigay galang at pagpapahalaga sa kasagraduhan ng Simbahan at mga sakramento ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Archbishop Jumoad, “The Parish priest, Rev. Fr. Rolly Lagada together with his parochial vicar, Rev. Fr. Rommel Rudinas, are hereby instructed to ensure proper catechesis on the respect due to sacred spaces and to promote ongoing spiritual renewal among the parishioners.”

Una ng binigyang diin ng Arsobispo na bahagi ng tungkulin ng mga mananampalataya sa parokya ang protektahan ang Simbahan mula sa mga taong nagnanais na lumapastangan sa kasagraduhan nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,417 total views

 11,417 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,529 total views

 81,529 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,143 total views

 156,143 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,222 total views

 236,222 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,072 total views

 279,072 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,417 total views

 1,417 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top