Cancer patients, inaanyayahan sa kapistahan ni San Ezekiel Moreno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,673 total reads

Inaanyayahan ng Saint Ezekiel Moreno Novitiate–Recoletos (SEMONORE) ang mga mananampalataya, lalo na ang mga cancer patients at kanilang pamilya, sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Ezekiel Moreno sa Martes, August 19, 2025, sa SEMONORE, Nuestra Señora de la Paz Subdivision, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Pangungunahan ni Most Rev. Socrates B. Villegas, D.D., Archbishop of Lingayen–Dagupan at Brother General of the Order, ang Pontifical Mass sa ganap na 9:30 ng umaga na susundan ng public veneration of the relics ng santo.

“The Saint Ezekiel Moreno Novitiate–Recoletos (SEMONORE) invites the faithful—especially cancer patients and their families—to the Feast of St. Ezekiel Moreno on Tuesday, August 19, 2025,” ayon sa opisyal na pahayag ng SEMONORE.

Nagsimula na ang Novena Masses noong August 10 at magtatapos sa August 18, kung saan isa sa mga naging tagapagdiwang si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Hinihikayat ng SEMONORE ang publiko na makiisa sa mga nalalabing liturhiya at sama-samang idulog ang panalangin para sa mga may karamdaman, kanilang mga tagapangalaga, at mga medical frontliners.

“The community is encouraged to offer prayers for the sick, their caregivers, and medical frontliners through the intercession of St. Ezekiel,” dagdag pa ng grupo.

Si San Ezekiel Moreno ay isang misyonerong pari ng Order of Augustinian Recollects na isinilang noong April 9, 1848 sa Alfaro, La Rioja, Spain. Dumating siya sa Pilipinas noong 1870 at naglingkod sa Palawan, Mindoro, Cavite, at Batangas, kung saan nakilala siya sa kanyang malasakit sa mahihirap at sa mga maysakit.

Matapos ang kanyang misyon sa Pilipinas, ipinadala siya sa Colombia at hinirang na Obispo ng Pasto. Sa kabila ng kanyang pakikibaka sa sakit na cancer, nanatili siyang tapat sa paglilingkod hanggang sa kanyang pagpanaw noong Agosto 19, 1906.

Dahil dito, idineklara siya bilang patron ng mga may cancer at ganap na naging santo noong October 11, 1992 sa canonization rite na pinangunahan ni noo’y santo papa St. John Paul II.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,612 total reads

 56,612 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,887 total reads

 135,887 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,332 total reads

 169,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,630 total reads

 204,630 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,867 total reads

 428,867 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top