Dayalogo susi ng pagkakaunawaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,576 total reads

Umaasa si Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV na magbunga ang mga kasalukuyang hakbang upang mawakasan ang mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo noong Agosto 17, binigyang-diin ng santo papa ang kahalagahan ng dayalogo at pakikipag-usap upang malutas ang hindi pagkakaunawaan at maisulong ang kabutihang panlahat.

“Let us pray that efforts to bring wars to an end and to promote peace may bear fruit, and that in negotiations the common good of peoples may always be placed first,” ani Pope Leo XIV.

Pinagtibay din ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa lahat ng mamamayang apektado ng mga digmaan, partikular ang mga inosenteng sibilyang naiipit sa kaguluhan at ang mga kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng kabataan, kababaihan, matatanda, at mga may kapansanan.

Ayon sa datos ng World Economic Forum, may humigit-kumulang 60 armadong sigalot sa iba’t ibang bansa sa Middle East, North Africa, at Eastern Europe.

Tinatayang higit sa 200,000 na ang nasawi, 120 milyon ang sapilitang pinalikas, at halos 74 milyon ang kabilang sa mga tinaguriang Internally Displaced Persons (IDPs).

Sa kabuuan, mahigit dalawang bilyong katao ang nakatira sa mga lugar na apektado ng karahasan, kabilang ang tinatayang 400 milyong bata.

Dalangin ni Pope Leo XIV na manaig ang pagkakapatiran at pagbubuklod ng mga mamamayan upang makamtan ang tunay na kapayapaan.

Samantala, sa parehong pagdiriwang ng Angelus, ipinaabot din ng Santo Papa ang kanyang pakikiramay sa mga bansang tinamaan ng malalakas na pagbaha sa South Asia.

“I am close to the people of Pakistan, India, and Nepal who have been struck by violent floods. I pray for the victims, for their families, and for all those who suffer because of this calamity,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan ang Santo Papa sa pandaigdigang pamayanan na magtulungan at magbuklod upang maibsan ang hirap ng mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 28,240 total reads

 28,240 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 62,041 total reads

 62,041 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 98,523 total reads

 98,523 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 116,736 total reads

 116,736 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 199,547 total reads

 199,547 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top