It’s not the proper time. It’s not the proper reason

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,615 total reads

Ito ang mariing pahayag ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Stewardship, bilang pagtutol sa mungkahing pagkakaroon ng reporma sa Saligang Batas.

Un ng nanawagan si Deputy Speaker Ronaldo Puno, sa pagsasagawa ng constitutional convention (Con-Con) para repasuhin at ayusin ang 1987 Konstitusyon sa layuning alisin ang mga malabong probisyon at mga kakulangan na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng publiko.

Kabilang sa inihalimbawa ng mambabatas ang salitang ‘forthwith’ kaugnay sa usapin ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, k ung saan nagkaroon ng magkaibang pakahulugan ang dalawang kapulungan ng Kongreso at ilang mga eksperto sa batas.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi sapat na dahilan ang isang maliit na hindi pagkakaunawaan sa interpretasyon ng salita upang buksan muli ang Konstitusyon.

“Actually, maliwanag naman ang forthwith na ‘yun kung talagang gusto nilang gawin. Ang konstitusyon ay isang mahalagang dokumento para sa ating basehan ng lahat ng mga batas at hindi dapat pinaglalaruan ‘yan dahil sa konting hindi pagkakaunawaan,” paliwanag niya.

Iginiit ng Obispo na hindi ang Konstitusyon ang may problema kundi ang pag-unawa at pagsunod ng ilang mambabatas dito.

Nilinaw ng Obispo na maliban sa hindi makatwiran ang dahilan, mabigat din ang magiging gastos at posibleng magamit ang pagbubukas ng Saligang Batas para sa pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.

“Problema lang d’yan, may pera ba ang gobyerno para sa ConCon? Pangalawa, kapag buksan pa ang Constitution, lahat ng kwan sa gobyerno natin ay mabubuksan na rin ano? Kaya maaring ‘yan ay gamitin ng tao para sa pagpapahaba ng termino ng mga nasa Kongreso, ng mga presidente,” ayon sa pahayag ng obispo sa panayam ng Radyo Veritas.

Muling iginiit ni Pabillo na dapat manatiling iginagalang at sinusunod ang Konstitusyon, at huwag basta-bastang baguhin dahil lamang sa maliit na usapin.

Bukod kay Bishop Pabillo, ilan ding mga pinuno ng simbahan ang nagpahayag ng agam-agam sa posibleng reporma sa Konstitusyon sina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Antipolo Bishop Ruperto Santos at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo-chairman ng Caritas Philippines.

Naniniwala naman ang mambabatas na ang Konstitusyon, bilang pangunahing batas ng bansa, ay dapat maging malinaw, matatag, at madaling maunawaan ng hukuman, mambabatas, at mamamayang pinangangalagaan nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,487 total reads

 50,487 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,131 total reads

 130,131 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,578 total reads

 163,578 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,876 total reads

 198,876 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,409 total reads

 423,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,262 total reads

 16,262 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top