Mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, kakasuhan ng economic sabotage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,183 total reads

Nagbanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kasong economic sabotage laban sa mga contractor at opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Pangulo, inaaral na ng kanyang legal team ang findings ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno, partikular sa Bulacan na nakatanggap ng pinakamalaking pondo para sa flood control.

“For the big ones I’m thinking very hard na pipilahan natin sila ng economic sabotage… tignan natin ah, ‘yung utang ng gobyerno ng Pilipinas, mababawasan kung naging maayos lahat ito,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“If all of these projects were properly executed and implemented, ang laki ng nawalang problema sa atin at sa taumbayan,” dagdag ng Pangulo.

Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos inspeksyunin sa Barangay Piel, Baliuag ang isang P55-milyong riverwall project na idineklarang “completed” ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngunit nadiskubreng hindi man lang sinimulan.

Mariing sinabi ng Pangulo na hindi lamang siya nadismaya kundi na nagagalit sa ganitong uri ng katiwalian. Giit niya, kung naisagawa nang maayos ang mga proyekto, malaking tulong sana ito sa irigasyon, laban sa pagbaha, at maging sa pagbawas ng utang ng bansa.

“Extremely, more than disappointed, I’m actually… I’m getting very angry with what’s happening here… Nakaka… Papaano naman, 220 meters, P55 million completed ang record ng Public Works,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng punong ehektibo, “Walang ginawa kahit isang araw, hindi nagtrabaho. Kahit puntahan niyo, wala kayong makikita na kahit ano.”

Hinikayat muli ni Marcos ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusumbong ng anomalya sa pamamagitan ng Sumbong sa Pangulo website.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,302 total reads

 23,302 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,398 total reads

 57,398 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 93,881 total reads

 93,881 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,092 total reads

 112,092 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,191 total reads

 195,191 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top