Mamamayan, hinimok na gabayan ang mga kabataan sa mulat na pakikilahok para sa makatarungang lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,507 total views

Hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang mamamayan na gabayan at samahan ang kabataan sa kanilang mulat na pakikilahok sa paghubog ng isang makatarungan at maayos na lipunan para sa susunod na henerasyon.

Ipinahayag ng kardinal ang mensahe sa banal na misa noong ikalawang araw ng CHARIS Philippines National Spiritual Directors Conference sa Pope Pius XII Catholic Center, Manila, nitong Agosto 19.

Bilang halimbawa, binanggit ng kardinal ang ilang trahedyang naranasan sa kanyang diyosesis, kung saan mga kabataan ang nasawi:
• Kian Loyd Delos Santos, 17 – napatay sa war on drugs noong Agosto 16, 2017;
• Jimboy Baltazar, 17 – nasawi sa “mistaken identity” sa operasyon ng pulisya noong Agosto 2, 2023;
• Dion Angelo dela Rosa, 20 – namatay sa leptospirosis matapos lumusong sa baha upang hanapin ang kanyang amang inaresto dahil sa illegal gambling. Inilibing noong Agosto 10, 2025.

Binigyang-diin niya na ang mga pangyayaring ito ay madalas nagaganap tuwing buwan ng Agosto—halos kasabay o malapit sa kapistahan ni San Roque, pintakasi ng diyosesis, na sa kanyang kabataan ay natutong sumunod sa Diyos matapos isuko ang marangyang pamumuhay.

“I think our young people in this country are picking up the signal and are starting to wake up, and I think we must accompany them. I foresee many conversions, many awakenings… don’t underestimate the manner in which our young people will wake up and participate in doing something to build a better future for the next generation,” pahayag ni Cardinal David.

Aminado siya na “Our generation has failed miserably in the aspiration for a more just and equitable Philippine society. But I am hopeful for our young people today who bear the same spiritual zeal and idealism that was lived out in their own times by St. Francis of Assisi and San Roque—young people who discovered God after renouncing power and wealth.”

Bagama’t mahalaga ang materyal na pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at kalusugan, iginiit ng kardinal na higit na mahalaga ang pagbabahagi ng yaman para sa ikabubuti ng nakararami.
“I could only hope that charismatic communities learn to recreate the communities described in the Acts of the Apostles—people who share things in common, not thinking only of their own good, but the common good,” aniya.

Tema ng pagtitipon ng mga charismatic spiritual directors ang “Power for Mission”, na dinaluhan ng 113 kinatawan mula sa 60 diyosesis at iba’t ibang charismatic groups sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,110 total views

 23,110 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,794 total views

 73,794 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,923 total views

 79,923 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,300 total views

 109,300 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 126,783 total views

 126,783 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top