Mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, kakasuhan ng economic sabotage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,229 total reads

Nagbanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kasong economic sabotage laban sa mga contractor at opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Pangulo, inaaral na ng kanyang legal team ang findings ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno, partikular sa Bulacan na nakatanggap ng pinakamalaking pondo para sa flood control.

“For the big ones I’m thinking very hard na pipilahan natin sila ng economic sabotage… tignan natin ah, ‘yung utang ng gobyerno ng Pilipinas, mababawasan kung naging maayos lahat ito,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“If all of these projects were properly executed and implemented, ang laki ng nawalang problema sa atin at sa taumbayan,” dagdag ng Pangulo.

Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos inspeksyunin sa Barangay Piel, Baliuag ang isang P55-milyong riverwall project na idineklarang “completed” ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngunit nadiskubreng hindi man lang sinimulan.

Mariing sinabi ng Pangulo na hindi lamang siya nadismaya kundi na nagagalit sa ganitong uri ng katiwalian. Giit niya, kung naisagawa nang maayos ang mga proyekto, malaking tulong sana ito sa irigasyon, laban sa pagbaha, at maging sa pagbawas ng utang ng bansa.

“Extremely, more than disappointed, I’m actually… I’m getting very angry with what’s happening here… Nakaka… Papaano naman, 220 meters, P55 million completed ang record ng Public Works,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng punong ehektibo, “Walang ginawa kahit isang araw, hindi nagtrabaho. Kahit puntahan niyo, wala kayong makikita na kahit ano.”

Hinikayat muli ni Marcos ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusumbong ng anomalya sa pamamagitan ng Sumbong sa Pangulo website.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,315 total reads

 44,315 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,215 total reads

 124,215 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,663 total reads

 157,663 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,961 total reads

 192,961 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,796 total reads

 417,796 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,763 total reads

 15,763 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top