Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 116,382 total reads

Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para sa mga ito pero lubog pa rin sa baha ang maraming lugar tuwing umuulan at bumabagyo. Isa sa mga ugat nito ang lantarang pagnanakaw sa pondo ng bayan na nagsisimula raw sa pagtukoy sa mga proyekto at programang paglalaanan ng pambansang budget.

Kaya magandang hakbang ang ginawa ng Kamara na pasalihin sa pagbusisi sa budget ng gobyerno para sa susunod na taon ang mga civil society organizations (o CSOs). Sa unang pagkakataon, binigyan ng Kamara, sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, ng kopya ng 2026 National Expenditure Program ang mga CSOs. Kabilang sa mga grupong ito ang Caucus of Development NGOs (o CODE-NGO), Jesse Robredo Institute of Governance, at ang Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (o PLCPD). 

Ang mga CSOs ang magsisilbing mga mata natin sa napakasalimuot na proseso ng pagbabadyet. Itinuturing itong tugon ng Kongreso sa panawagan para sa pagbabadyet na bukás sa pagkilatis ng publiko matapos ang kontrobersyal na 2025 budget kung saan may mga pondong inilipat o tuluyang tinanggal. 

Tumataginting na 6.79 trilyong piso ang inihaing budget para sa taóng 2026. Mas mataas ito ng 7.4% sa budget ngayong 2025 na nasa 6.3 trilyong piso. Mahalagang nababantayan natin ito kaya’t mabuting nariyan ang mga CSOs na bihasa sa proseso ng pagbabadyet ng gobyerno. Sabi pa naman ng administrasyong Marcos Jr, prayoridad ng budget para sa 2026 ang mga tinatawag na “essentials” o mga bagay na mahalaga para itaguyod ang mga batayang karapatan ng mga Pilipino. Kasama sa mga essentials na ito ang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at pagkain. (Walang flood control projects?)

Maging makahulugan sana ang maging papel ng mga CSOs sa budget process. Hindi lang sana sila palamuti sa isang seremonya. Hindi man sila makaboboto sa mga bagay na kailangang pagdesisyunan, bigyan sana sila ng pagkakataong magtanong bilang mga resource persons, humingi ng paliwanag, at magmungkahi. Para magawa ito, mabilis dapat ang kanilang access sa kritikal na impormasyon tungkol sa budget. Ang mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyong ito ay dapat madaling maproseso at makilatis. Sabi nga ng budget watchdog na Social Watch Philippines, “In the face of persistent issues of misuse of public funds, the people need timely and complete access to budget documents.” 

Kung totoong walang itatago ang mga mambabatas, dapat kasama ang mga CSOs sa bawat hakbang na gagawin ng mga mambabatas.

Mahalagang siguraduhin natin na ang bawat pisong ipinagkakatiwala natin sa gobyerno ay napupunta sa dapat pagkagastusang serbisyo para sa taumbayan. Galing kasi ito sa buwis na iniaambag natin. Ipinahihiwatig nga sa Catholic social teaching na Populorum Progressio na ang pagbabayad ng buwis ay hindi lamang pagsuporta sa mga programa at proyektong tutulong sa mga nangangailangan. Ito ay pagpapakita ng kahandaang tulungan ang gobyernong mapalawak ang mga ginagawa nito para sa kaunlaran ng taumbayan. 

Kaya nararapat lamang na may say tayo sa budget na gagamitin ng pamahalaan. Trabaho na dapat ito ng mga kongresista natin bilang mga inihalal nating kinatawan sa Kongreso, pero mas maigi na nga sigurong may mga CSOs. Dagdag na bantay sila sa kung paano inilalaan at ginagamit ang kaban ng bayan. Mas maraming matang nakatutok sa budget, mas mababawasan ang oportunidad para sa korapsyon. Masusubukan natin ito ngayon sa budget para sa 2026. Tingnan natin kung mababawasan ang mga maanomalyang proyekto.

Mga Kapanalig, sa pagbababantay sa pera ng bayan, “kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip,” sabi nga sa 1 Tesalonica 5:6. Tutulungan tayo rito ng mga CSOs na tatayong mga mata ng taumbayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,807 total reads

 16,807 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,665 total reads

 54,665 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,875 total reads

 72,875 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,204 total reads

 157,204 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,789 total reads

 193,789 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 16,808 total reads

 16,808 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,666 total reads

 54,666 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,876 total reads

 72,876 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,205 total reads

 157,205 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top