Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 115,527 total reads

Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of all corruption”.

Nakakahiya, nakakagalit ang nabunyag na “Supermax collusion” sa pagitan ng mga mambabatas, LGU’s, opisyal ng DPWH, Commission on Audit (COA), mga kontraktor na kamag-anakan, mga campaign donor ng mga sinasabing honorable daw na mga pulitiko. Mahigit sa kalahating trilyong piso (545-bilyong piso) pondo sa flood control projects ng gobyerno ang pinag-piyestahan ng mga ganid na mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan at mga contractors simula pa noong 2022.

Nabunyag na ang 15-contractors na nagwagi sa bidding gayundin ang kanilang koneksyon sa mga pulitiko. Naisiwalat din ang hatian (pie-sharing” sa supermax collision) kung saan 40-porsiyento lamang ng budget sa flood control projects ang nagamit sa implementasyon, kaya depekto ang proyekto, marami ang hindi natapos, marami din ang “ghost projects” o hindi nag-e-exist.

Halos lahat na ng katibayan o mga ebidensiya sa supermax collision ng korapsyon ay lumitaw., nagsilabasan na., kanya-kanyang imbestigasyon na ang Senado at Kamara sa katiwaliang kinasasangkutan ng mga kabarong mambabatas. Sa kasagsagan ng “fiasco”, merong nawawala, nakakabingi ang katahimikan., tila hindi pa natatapos ang pagninilay?

Kapanalig, nasaan ang Office of the Ombudsman (OMBUDSMAN), mga tunay bang “incompetent” ang mga bumubuo sa ahensiyang ito? Di kaya nabubusalan ang mga opisyal ng OMBUDSMAN sa kanilang pananahimik?

Ang OMBUDSMAN ay binigyan ng kapangyarihan ng Saligang Batas ng Pilipinas o 1987 Philippine constitution sa pamamagitan ng (Sec. 15(1) R.A. No. 6770; see also Sec. 13(1), Article XI—To investigate and prosecute on its own or on complaint by any person, any act or omission of any public officer or employee, office or agency, when such act or omission appears to be illegal, unjust, improper or inefficient. It has primary jurisdiction over cases cognizable by the Sandiganbayan and, in the exercise of his primary jurisdiction, it may take over, at any stage, from any investigatory agency of Government, the investigation of such cases. Taglay din ng OMBUDSMAN ang kapangyarihan sa ilalim ng (Sec. 15(2) R.A. No. 6770; Sec 13(2) Article XI, to perform and expedite any act or duty required by law, or to stop, prevent, and correct any abuse or impropriety in the performance of duties.

Kapanalig, ang Office of the Ombudsman ay isang independent body na responsable sa pag-imbestiga, pag-prosecute at pagpataw ng parusa o hatol sa sinumang kawani at opisyal ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa katiwalian.

Pero nakapagtataka sa usapin ng matinding korapsyon sa mga flood control projects ng pamahalaan, naka-silent mode ang OMBUDSMAN? Wala ng gagawin ang OMBUDSMAN, kung tinatamad silang magsagawa ng sariling imbestigasyon., hingin nila sa Office of the President ang mga katibayan, hingin nila ang mga ebidensiyang hawak ni Senador Panfilo Lacson, ni Mayor Benjamin Magalong, yung audit ng corrupt ding COA.

Nakakalungkot Kapanalig, nagiging kultura o di kaya’y tila legal na ang gumawa ng katiwalian, ng korapsyon sa Pilipinas dahil sa pagiging incompetent ng tanggapan na naatasang susupil sa masamang gawain na kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno na halal na opisyal ng bansa.

Di ba kung walang ginawa, walang output ang tulad nating karaniwang manggagawa ay pinagbibitiw o kaya ay sinisibak sa puwesto o trabaho?

Kapanalig, tandaan natin na ang greed o kasakiman ay ugat ng kasamaan. Pagnilayan natin ang 2 Conrinthians 8:9-By freeing ourselves from greed, we discover a peace and joy that go beyond possessions.Instead of living to accumulate,we live to give, to share and to love, following the example of Christ who through rich, becom to enrich us with his love”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 83,502 total reads

 83,502 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 120,875 total reads

 120,875 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 152,136 total reads

 152,136 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 224,910 total reads

 224,910 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 315,078 total reads

 315,078 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 83,503 total reads

 83,503 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 120,876 total reads

 120,876 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 152,137 total reads

 152,137 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 224,911 total reads

 224,911 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top