Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,139 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-20 Linggo ng KP, Paggunita kay Santo Papa Pio X, 21 Agosto 2025, Hukom 11:29-39a; Mat 22:1-14

Obvious sa akin na ang sinumang pumili sa ating Salmong Tugunan ay nagri-react sa malagim na kwento ng ating first reading from the Book of Judges 11. Namanata daw si Jephtah sa Panginoon—na kung pananalunin siya sa giyera laban sa mga Ammonites, pag-uwi niya ng bahay, ang sinumang unang lumabas at sumalubong sa kanya mula sa giyera ay isasakripisyo niya sa Panginoon. At sino ang unang sumalubong sa kanya pagdating niya? Ang nag-iisang anak niyang babae. Hindi na daw niya maiatras dahil nakapagbitiw siya ng pangako sa Diyos at kailangan tuparin niya. At nag-cooperate naman ang anak niya. Grabeng kuwento ito.

Sabi ng Salmong binasa: “Hindi naman sakripisyo o susunuging handog o pambayad kasalanan ang hinihiling ng Diyos, kundi pusong handang tumalima sa kanyang kalooban.” Sa madaling salita—sino ba ang nagsabi kay Jephtah na isakripisyo niya ang anak niyang babae? Hindi ang Diyos kundi sarili niya. (Baka bumilib pa ako kay Jephtah kung sinabi niya, “Panginoon, dahil di hamak na mas mahalaga ang buhay ng anak ko kaysa sariling buhay ko, ako na lang ang kunin ninyo.”)

Kahit sa ating mga Pilipino, iba ang Panata sa Tipan. Ang panata ay one-way, kumbaga. Kung tutuusin, kung minsan may pagka-manipulative. “Kung pagbibigyan mo ako sa hinihiling ko, handa akong isakripisyo ito, Panginoon.”

Sa Tipanan, may pangako ring binibigkas, pero hindi one-way. Ito ay kasunduan ng magkabilang panig. Walang sapilitan. Kusang-loob. Inaalam muna ang kalooban ng isa’t isa, upang magkatagpo at magkasundo. Humihingi ito ng pananagutan. Kailangang panindigan ang sinumpaang salita, na hindi pinilit kundi pinili. Tulad ng sinumpaang salita ni Ninoy Aquino sa bayan na babalik siya para hamunin ang diktadura, kahit alam niyang pwede niyang ikamatay ito. Ang kamatayan niya’y naging paanyaya rin sa marami sa atin ng mamanata sa konteksto ng pakikitipan sa bayan.
Ito ang ipinupunto ng ating ebanghelyo at ng talinghaga ukol sa mga imbitado sa kasalan. Hindi lang personal na pamamanata kundi pakikitipan, pagpasok sa kasunduan, ito ang itinuro sa atin ng Anak ng Diyos.

Madalas nating marinig ngayon ang salitang public trust, na nilalabag ng mga lingkod bayan na nang-aabuso ng tungkuling ipinagkatiwala sa kanila. Naging maugong ang linyang binigyan ng standing ovation ng mga kongresista sa nakaraang SONA ng Presidente: MAHIYA NAMAN KAYO.

Sa atin kasing mga Asians, importante ang hiya. Ang mga Hapones nga, ngasu-suicide (Harakiri) kapag napahiya. Pero ano ang dapat gawin kapag hindi na umuubra ang kultura ng hiya? Sa binigkas ni Hesus na talinghaga sa ebanghelyo, tinalian daw iyung taong pumasok sa kasalan na hindi nakadamit pangkasal. Magandang palaisipan. Ang tipan ay kusang-loob na pagtatali. At ang magtatali sa atin ay salita, kusang-loob na pangako na kung hindi ko paninindigan, wala akong karapatan na makisalo sa hapag na inihanda ng Diyos sa kasalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,707 total reads

 76,707 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,471 total reads

 111,471 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,771 total reads

 146,771 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,040 total reads

 373,040 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,282 total reads

 262,282 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,220 total reads

 14,220 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,865 total reads

 19,865 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,133 total reads

 19,133 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top