Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 178,812 total reads

Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw!

Itinatag ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign sa kasagsagan ng 10-bilyong pisong Priority Development Assistance (PDAF) scam. Nabunyag sa PDAF scam ang mga iligal na transaksyon na kinasasangkutan ng tanggapan ng mga mambabatas, GOCC’s, DBM, ERC, Technology Resource Center,National Business Center, at mga bogus na NGO ng mastermind na si Janet Lim Napoles. Maraming mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas ang kinasuhan Anti-Corrupt Practices Act. Nakulong si Senador Juan Ponce Enrile, Senador Ramon Bong Revilla, Senador Jinggoy Estrada gayundin ang kanilang mga legislative staff. Kinasuhan din ng plunder si dating Congressman Rozzano Rufino Biazon (Muntinlupa City), Rodolfo Valencia (1st district of Oriental Mindoro), Marc Douglas Cagas IV (1st district of Davao del Sur), Arrel Olaño (1st district of Davao del Norte), Arthur Pingoy, Jr. (2nd district of South Cotabato.

Pinalakas din ng Radyo ng Simbahan ang kampanya sa paghihimok sa mga botante na ipaalala sa mga kandidato sa 2016 presidential election na tutukan ang pagmimisyon at pagli­lingkod sa bayan at hindi ang sariling ambisyon at bulsa.

Pero Kapanalig, tila-bagang bingi ang ating mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas kasama ang mga kontraktor na nanalo sa bidding ng mga flood control projects na napasakamay lamang ng 15-contractors. Kung sa PDAF scam ay 10-bilyong piso ang nakurakot., Sa flood control projects ng gobyerno mula 2022., 545-bilyong piso ang nalustay., naibulsa ng mga kawatan na mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga kamag-anakan maging kaalyadong kontraktor. Sangkot na naman ang mga Senador, Kongresista.., nasa gitna din laganap na katiwalian ang DPWH.

Umaalingawngaw sa kasalukuyan ang galit ng taumbayan., mga lugar na binabaha sa simpleng pag-uulan lamang na binuhusan ng multi-bilyong pisong pondo ng gobyerno.

Sinasabi ng taumbayan, sila ang mga walang puso… walang konsensiya, mga ganid sa pera., nagsasaya sa pagwawaldas ng pera ng bayan, ipinagyayabang ang 40-luxury cars, habang tinitingnan lamang ang mga binabaha, mga nalunod sa tubig-baha.

Sa nakakarinding expose ng Pangulong Marcos, puso satsat ng mga pulitiko, wala namang umuusad na hakbang para panagutin ang mga sangkot sa hatian ng 545-bilyong pisong flood control projects ng gobyerno.

Harinawa Kapanalig, hindi lamang AMPAO at hindi pagpoposisyon ng kasalukuyang administrasyon sa 2028 presidential election ang ingay na ginagawa ng Office of the President.
Sa mga gustong yumaman, huwag na kayong mag-invest sa negosyo, magtapos ng karera sa kolehiyo, hindi mo na raw kailangan ng diploma, mag-masteral, mag-PhD.., hindi mo na rin kailangan ang capital at rehistradong kumpanya., MAG-DPWH ka lang., magkakamal ka ng maraming salapi. Kailangan mo lang may kamag-anak na Senador, Congressman, may kakutsaba ka sa DPWH, may koneksyon, may padrino., limpak-limpak na pera ng bayan ay mapapasa-iyo Kapanalig.

Sa paglulunsad sa kampanya na huwag kang magnakaw, naibahagi ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization na kahit tarpaulin ay ninanakaw.,“We started the campaign, wear t-shirt and put tarpaulins Huwag Kang Magnakaw, salita ng Diyos yun, you know what yung mga tarpaulin tinatanggal, tinatanggal sino kayang nagtatanggal nun? Pati yung sign na huwag kang magnanakaw ninanakaw! Bakit ayaw mapakinggan yung huwag kang magnakaw? aha, yun yung gustong magtuloy ng pagnanakaw at ang una niyang ninakaw yung sign,”

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 37,780 total reads

 37,780 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 30,893 total reads

 30,893 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 66,200 total reads

 66,200 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 168,023 total reads

 168,023 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,582 total reads

 208,582 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 227,878 total reads

 227,878 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 30,895 total reads

 30,895 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 66,202 total reads

 66,202 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 168,025 total reads

 168,025 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,584 total reads

 208,584 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top