Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Matinding korapsyon sa flood control projects, kinundena ng CLCNT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,884 total views

Mariing kinondena ng Church Leaders Council for National Transformation ang matinding katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.

Ayon sa grupo, ang naturang kontrobersyal na usapin ay hindi lamang paglabag sa batas kundi isang “moral na kasamaan” na sumisira sa dangal ng sambayanan at nagdudulot ng paghihirap at labis na pagdurusa lalo na sa mga mahihirap.

Giit ng grupo ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon sa bansa, ang katiwalian ay sumisira hindi lamang sa dangal ng sambayanan kundi umaangkin din sa kaban ng bayan at nagpapahina sa mismong pundasyon ng lipunan.

“We, the members of the Church Leaders Council for National Transformation, gathered in prayerful discernment, raise our voices in unequivocal condemnation of the brazen corruption plaguing our nation’s flood control projects… Such corruption is not merely a fiscal betrayal; it is a moral abomination that strikes at the heart of our people’s dignity.” Bahagi ng pahayag ng CLCNT.

Nanawagan naman ang Church Leaders Council for National Transformation sa lahat ng sektor ng lipunan—mga lingkod-bayan, Simbahan, at mamamayan—na magsama-sama laban sa katiwalian at igiit ang pananagutan, reporma, at integridad sa pamamahala sa bansa.

Giit ng grupo, ang tunay na pagbabago ng bayan ay makakamtan lamang kung higit na isusulong ng bawat isa ang katarungan, kabutihang panlahat, at ang tapat na pamumuno na naglilingkod hindi sa pansariling interes kundi para sa kabutihan at pag-ulad ng buhay ng sambayanan.

“This flood control scandal is emblematic of deeper systemic rot that afflicts our governance, eroding public trust and hindering national transformation. It directly imperils the lives of all Filipinos, but most grievously the vulnerable: the urban poor huddled in evacuation centers, farmers whose fields are inundated, and children deprived of safe futures. We call upon every Filipino citizen—lay faithful, clergy, public servants, and leaders—to rise in prophetic witness against this and all forms of corruption. Demand accountability, support transparent reforms, and vote with integrity.” Dagdag pa ng grupo.

Batay sa ulat ng Senado, tinukoy ni Senador Panfilo Lacson na tinatayang nasa 40 porsyento lamang ng pondo para sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan, habang ang malaking bahagi nito ay nauuwi sa mga ghost projects, substandard na mga istruktura, at katiwalian.

Kaugnay nito, inalala rin ng grupo ang mga pahayag ni Pope Francis na “Corruption is paid by the poor,” na mariing kumukundina sa lahat ng anyo ng katiwalian o korapsyon na higit na nagpapahirap sa mga mahihirap na malinaw na nakikita sa kalagayan ng mga pamilya sa mga binabahang barangay na nawawalan ng tahanan, kabuhayan, at kinabukasan dahil sa bunga ng katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 8,617 total views

 8,617 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 30,683 total views

 30,683 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 46,379 total views

 46,379 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 54,532 total views

 54,532 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 118,104 total views

 118,104 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top