Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 178,755 total reads

Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw!

Itinatag ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign sa kasagsagan ng 10-bilyong pisong Priority Development Assistance (PDAF) scam. Nabunyag sa PDAF scam ang mga iligal na transaksyon na kinasasangkutan ng tanggapan ng mga mambabatas, GOCC’s, DBM, ERC, Technology Resource Center,National Business Center, at mga bogus na NGO ng mastermind na si Janet Lim Napoles. Maraming mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas ang kinasuhan Anti-Corrupt Practices Act. Nakulong si Senador Juan Ponce Enrile, Senador Ramon Bong Revilla, Senador Jinggoy Estrada gayundin ang kanilang mga legislative staff. Kinasuhan din ng plunder si dating Congressman Rozzano Rufino Biazon (Muntinlupa City), Rodolfo Valencia (1st district of Oriental Mindoro), Marc Douglas Cagas IV (1st district of Davao del Sur), Arrel Olaño (1st district of Davao del Norte), Arthur Pingoy, Jr. (2nd district of South Cotabato.

Pinalakas din ng Radyo ng Simbahan ang kampanya sa paghihimok sa mga botante na ipaalala sa mga kandidato sa 2016 presidential election na tutukan ang pagmimisyon at pagli­lingkod sa bayan at hindi ang sariling ambisyon at bulsa.

Pero Kapanalig, tila-bagang bingi ang ating mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas kasama ang mga kontraktor na nanalo sa bidding ng mga flood control projects na napasakamay lamang ng 15-contractors. Kung sa PDAF scam ay 10-bilyong piso ang nakurakot., Sa flood control projects ng gobyerno mula 2022., 545-bilyong piso ang nalustay., naibulsa ng mga kawatan na mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga kamag-anakan maging kaalyadong kontraktor. Sangkot na naman ang mga Senador, Kongresista.., nasa gitna din laganap na katiwalian ang DPWH.

Umaalingawngaw sa kasalukuyan ang galit ng taumbayan., mga lugar na binabaha sa simpleng pag-uulan lamang na binuhusan ng multi-bilyong pisong pondo ng gobyerno.

Sinasabi ng taumbayan, sila ang mga walang puso… walang konsensiya, mga ganid sa pera., nagsasaya sa pagwawaldas ng pera ng bayan, ipinagyayabang ang 40-luxury cars, habang tinitingnan lamang ang mga binabaha, mga nalunod sa tubig-baha.

Sa nakakarinding expose ng Pangulong Marcos, puso satsat ng mga pulitiko, wala namang umuusad na hakbang para panagutin ang mga sangkot sa hatian ng 545-bilyong pisong flood control projects ng gobyerno.

Harinawa Kapanalig, hindi lamang AMPAO at hindi pagpoposisyon ng kasalukuyang administrasyon sa 2028 presidential election ang ingay na ginagawa ng Office of the President.
Sa mga gustong yumaman, huwag na kayong mag-invest sa negosyo, magtapos ng karera sa kolehiyo, hindi mo na raw kailangan ng diploma, mag-masteral, mag-PhD.., hindi mo na rin kailangan ang capital at rehistradong kumpanya., MAG-DPWH ka lang., magkakamal ka ng maraming salapi. Kailangan mo lang may kamag-anak na Senador, Congressman, may kakutsaba ka sa DPWH, may koneksyon, may padrino., limpak-limpak na pera ng bayan ay mapapasa-iyo Kapanalig.

Sa paglulunsad sa kampanya na huwag kang magnakaw, naibahagi ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization na kahit tarpaulin ay ninanakaw.,“We started the campaign, wear t-shirt and put tarpaulins Huwag Kang Magnakaw, salita ng Diyos yun, you know what yung mga tarpaulin tinatanggal, tinatanggal sino kayang nagtatanggal nun? Pati yung sign na huwag kang magnanakaw ninanakaw! Bakit ayaw mapakinggan yung huwag kang magnakaw? aha, yun yung gustong magtuloy ng pagnanakaw at ang una niyang ninakaw yung sign,”

Sumainyo ang Katotohanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 5,893 total reads

 5,893 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 25,962 total reads

 25,962 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 86,460 total reads

 86,460 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 107,328 total reads

 107,328 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 187,983 total reads

 187,983 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 288,379 total reads

 288,379 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 25,963 total reads

 25,963 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 86,461 total reads

 86,461 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 107,329 total reads

 107,329 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 187,984 total reads

 187,984 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top