Paglabag ng PAGCOR sa sariling charter, pinuna ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,784 total reads

Mariing kinondena ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang paglabag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa sariling charter nito dahil sa tila pagsisilbi ng ahensya bilang pangunahing tagapagtaguyod ng online gambling sa bansa.

Ito ang reaksyon ng Cardinal sa kanyang official Facebook page kasunod ng pakikipagpulong ni Senate Committee on Games and Amusement Chairperson Senator Erwin Tulfo sa pamunuan ng PAGCOR, Ad Standards Council (ASC), at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kaugnay sa pagsusuri sa mga ads ng online gambling sa bansa noong ikatlo ng Setyembre, 2025.

Iginiit ni Cardinal David na ang lahat ng uri ng online gambling ay dapat na ipagbawal sapagkat nagiging dahilan ito ng pagkakalulong sa bisyo ng pagsusugal ng maraming Pilipino.

Nanindigan si Cardinal na hindi katanggap-tanggap ang pagsusulong ng mismong ahensya ng pamahalaan sa online gambling na nakasisira sa buhay ng sambayanan.

“PAGCOR is violating its own charter. All forms of online gambling should be outlawed! Can you imagine a government agency now acting as the biggest pusher of online addiction?” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ipinagdarasal naman ni Cardinal David na maninindigan ang mamamayan para sa tama at mabuti sa at maghain ng petisyon sa Korte Suprema upang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa lahat ng accredited online gambling sites sa ilalim ng PAGCOR.

“I pray that some concerned citizens petition the SC to declare a TRO on all PAGCOR accredited online gambling sites.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Unang kinontra ni Cardinal David ang paliwanag ng PAGCOR sa pagpapahintulot nito sa operasyon ng mga online gambling para sa makukolektang buwis para sa bansa.

Binigyan diin ng Cardinal na hindi matutumbasan ng anumang halaga o kita ng pamahalaan ang pinsalang dulot ng pagsusugal sa pamilya at lipunan, lalo na sa mga kabataang nagiging biktima ng bisyo at pagkakalulong dito.

Ipinaalala ni Cardinal David na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mamamayan laban sa mga mapanganib na anyo ng sugal at hindi ito dapat gawing opisyal na negosyo ng estado.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 38,619 total reads

 38,619 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 32,230 total reads

 32,230 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 67,432 total reads

 67,432 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 169,255 total reads

 169,255 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 209,814 total reads

 209,814 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 229,063 total reads

 229,063 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 38,620 total reads

 38,620 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top