Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Corruption, malaki ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,467 total views

Napapanahon ng mamulat ang mga Pilipino sa ibobotong kandidato na may malinis na pamamahala at intensyon para sa pamayanan.

Inihalimbawa ni Dr.Geoffrey Ducanes, director ng Ateneo Center for Economic ng Ateneo de Manila University ang flood control project scam na kinasasangkutan ng mga inihalal na mambabatas, kaalyadong kontraktor at opisyal ng DPWH.

Iginiit ni Ducanes na negatibo ang epekto ng katiwalian at korapsyon sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Ducanes na dahil sa katiwalian ay bumababa ang investment at pagtatayo ng mga negosyo.

Nilinaw ng director ng Ateneo Center for Economics na kapag laganap ang katiwalian ay mababa ang koleksyon sa buwis at naaantala ang pag-unlad ng bayan dahil sa hindi maayos at tinipid na materyales sa paggawa ng mga imprastraktura.

Sa pag-aaral ni Ducanes, 20-percent ng national budget ay napupunta lamang sa corruption sa halip na magamit sa serbisyo publiko.

“So halimbawa po ang estimated budget is 7-trillion pesos so mga 1.4-trillion piso kung 20% will go to corruption, so napakalaking pera po nito, ang dami pong magagawang imprastraktura, ang dami pong social services na mapo-provide kung magagamit sana itong pondong ito ng tama,” ayon pa sa panayam kay Ducanes.

Ibinahagi din ng opisyal ng ACERD ang Corruption Perceptions Index noong 2024 kung saan pang-114 ang Pilipinas sa 180-mga bansa na talamak ang katiwalian.

Sa pagbisita ni Pope Francis noong 2015 sa Pilipinas, hinimok nito ang mga lider ng Pilipinas na iwaksi ang korapsyon sa halip ay paigtingin ang paglilingkod sa mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 1,201 total views

 1,201 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 24,223 total views

 24,223 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 63,717 total views

 63,717 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 79,563 total views

 79,563 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PCUP at PhilFIDA, lumagda sa kasunduan

 1,855 total views

 1,855 total views Nagkasundo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) para paigtingin ang pagbibigay ng kabuhayan para

Read More »
Scroll to Top