Pagtanggap ng tulong mula sa maling gawain, panggigisa sa sariling mantika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,955 total reads

Tinawag ng opisyal ng simbahan bilang “paggigisa sa sariling mantika” ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad mula sa pera o resources na nagmula sa katiwalian, mapaminsalang proyekto, o iba pang tiwaling gawain.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng Calapan Diocesan Social Action Center, hindi sapat ang ganitong uri ng tulong, lalo na pinsalang dulot sa mga biktima ng malawakang pagbaha dahil sa hindi tamang paggamit ng pondo ng bayan.

“Dahil yung perang nagmula sa masama ay hindi dapat na… sabi nga natin na parang ginigisa tayo sa sarili nating mantika. Na ginagamit na pagtulong. Ang nangyayari, naghuhugas kamay sa mas higit na napakalaking pinsala. At ito ay morally wrong. Hindi ito tama, hindi ito makatwiran,” ayon kay Fr. Gariguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinahayag din niya na matagal nang naninindigan ang simbahan laban sa mga nakakasirang proyekto sa kalikasan, at mayroong tinatawag na non-acceptance policy na ipinatupad upang hindi tumanggap ng tulong mula sa mga mapaminsalang gawain o korupsyon.

“Talagang kinikilala nating malinaw sa simbahan na talagang mali ang tumanggap ng mga perang nagmumula sa mga nakakasirang proyekto, hindi lamang galing sa pagmimina, kundi maging sa iba pang tiwaling pinagmumulan, lalo’t higit sa tinatawag na corruption. Kaya nga ang tindig ay ‘non-acceptance’, hindi pagtanggap,” paliwanag ng pari.

Taong 2022 nang ilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pastoral statement on ecology na may titulong “A call for unity and action amid a climate emergency and planetary crisis,” kung saan bahagi ng napagkasunduan ng kalipunan ng mga obispo na tanggihan ang mga donasyon mula sa pagmimina at iba pang “nakakasirang” industriya.

Dagdag pa ni Fr. Gariguez, sa panahon ngayon, milyon-milyong piso ang napupunta sa bulsa ng iilan, samantalang ang mga tao ay lugmok sa kahirapan.

“Ang pera na nagmula sa masama ay hindi dapat gamiting panghugas kamay sa kaunti nilang pagbibigay, sa tinatawag nating charity works na kung tutuusin ay napakakaunti kumpara sa kanilang nakuhang pera,” ayon sa pari.

Aniya, ang simbahan ay hindi dapat maging kasangkapan sa paglilinis ng reputasyon ng mga tiwali. “Kaya dapat ang simbahan maging consistent, tapat at malinaw na naninindigan sa kaniyang makapropetang papel. Magsalita at manindigan,” dagdag niya.

Kasabay nito, isinasagawa ng Kamara at Senado ang imbestigasyon kaugnay sa mga substandard at ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na kinasasangkutan ang ilang kontratista, pulitiko, at opisyal ng kagawaran. Layunin ng imbestigasyon na mapanagot ang mga sangkot at masiguro na hindi mauulit ang pagkasira ng kalikasan at panganib sa publiko.

Iginiit ni Fr. Gariguez ang kahalagahan ng malinaw na paninindigan ng simbahan at lipunan laban sa katiwalian at paggamit ng tulong para itago ang kasamaan: “Hindi dapat tayo maging kasangkapan sa ganitong kasakiman at kasamaan para lamang tumulong sa maliit na bahagi ng lipunan, kasi malaki ang kasamaang nagagawa at gusto lamang nilang linisin ng kaunti ang kanilang pangalan ng paggawa ng kaunting kabutihan.”

Si Fr. Gariguez, na kilala bilang environmentalist ay naglingkod ng 10-taon bilang executive secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace. Siya rin ay ginawaran ng Goldman Environmental Prize noong 2012 dahil sa kanyang pagtindig at pagpapahayag ng protesta para sa karapatan ng mga katutubong komunidad laban sa malalaking proyekto ng pagmimina sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,717 total reads

 62,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,638 total reads

 141,638 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,083 total reads

 175,083 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,381 total reads

 210,381 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,374 total reads

 434,374 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top