Matinding korapsyon sa flood control projects, kinundena ng CLCNT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,027 total reads

Mariing kinondena ng Church Leaders Council for National Transformation ang matinding katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.

Ayon sa grupo, ang naturang kontrobersyal na usapin ay hindi lamang paglabag sa batas kundi isang “moral na kasamaan” na sumisira sa dangal ng sambayanan at nagdudulot ng paghihirap at labis na pagdurusa lalo na sa mga mahihirap.

Giit ng grupo ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon sa bansa, ang katiwalian ay sumisira hindi lamang sa dangal ng sambayanan kundi umaangkin din sa kaban ng bayan at nagpapahina sa mismong pundasyon ng lipunan.

“We, the members of the Church Leaders Council for National Transformation, gathered in prayerful discernment, raise our voices in unequivocal condemnation of the brazen corruption plaguing our nation’s flood control projects… Such corruption is not merely a fiscal betrayal; it is a moral abomination that strikes at the heart of our people’s dignity.” Bahagi ng pahayag ng CLCNT.

Nanawagan naman ang Church Leaders Council for National Transformation sa lahat ng sektor ng lipunan—mga lingkod-bayan, Simbahan, at mamamayan—na magsama-sama laban sa katiwalian at igiit ang pananagutan, reporma, at integridad sa pamamahala sa bansa.

Giit ng grupo, ang tunay na pagbabago ng bayan ay makakamtan lamang kung higit na isusulong ng bawat isa ang katarungan, kabutihang panlahat, at ang tapat na pamumuno na naglilingkod hindi sa pansariling interes kundi para sa kabutihan at pag-ulad ng buhay ng sambayanan.

“This flood control scandal is emblematic of deeper systemic rot that afflicts our governance, eroding public trust and hindering national transformation. It directly imperils the lives of all Filipinos, but most grievously the vulnerable: the urban poor huddled in evacuation centers, farmers whose fields are inundated, and children deprived of safe futures. We call upon every Filipino citizen—lay faithful, clergy, public servants, and leaders—to rise in prophetic witness against this and all forms of corruption. Demand accountability, support transparent reforms, and vote with integrity.” Dagdag pa ng grupo.

Batay sa ulat ng Senado, tinukoy ni Senador Panfilo Lacson na tinatayang nasa 40 porsyento lamang ng pondo para sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan, habang ang malaking bahagi nito ay nauuwi sa mga ghost projects, substandard na mga istruktura, at katiwalian.

Kaugnay nito, inalala rin ng grupo ang mga pahayag ni Pope Francis na “Corruption is paid by the poor,” na mariing kumukundina sa lahat ng anyo ng katiwalian o korapsyon na higit na nagpapahirap sa mga mahihirap na malinaw na nakikita sa kalagayan ng mga pamilya sa mga binabahang barangay na nawawalan ng tahanan, kabuhayan, at kinabukasan dahil sa bunga ng katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 5,833 total reads

 5,833 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 25,858 total reads

 25,858 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 86,356 total reads

 86,356 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 107,229 total reads

 107,229 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 187,884 total reads

 187,884 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 288,284 total reads

 288,284 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top