Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglabag ng PAGCOR sa sariling charter, pinuna ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,709 total views

Mariing kinondena ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang paglabag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa sariling charter nito dahil sa tila pagsisilbi ng ahensya bilang pangunahing tagapagtaguyod ng online gambling sa bansa.

Ito ang reaksyon ng Cardinal sa kanyang official Facebook page kasunod ng pakikipagpulong ni Senate Committee on Games and Amusement Chairperson Senator Erwin Tulfo sa pamunuan ng PAGCOR, Ad Standards Council (ASC), at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kaugnay sa pagsusuri sa mga ads ng online gambling sa bansa noong ikatlo ng Setyembre, 2025.

Iginiit ni Cardinal David na ang lahat ng uri ng online gambling ay dapat na ipagbawal sapagkat nagiging dahilan ito ng pagkakalulong sa bisyo ng pagsusugal ng maraming Pilipino.

Nanindigan si Cardinal na hindi katanggap-tanggap ang pagsusulong ng mismong ahensya ng pamahalaan sa online gambling na nakasisira sa buhay ng sambayanan.

“PAGCOR is violating its own charter. All forms of online gambling should be outlawed! Can you imagine a government agency now acting as the biggest pusher of online addiction?” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ipinagdarasal naman ni Cardinal David na maninindigan ang mamamayan para sa tama at mabuti sa at maghain ng petisyon sa Korte Suprema upang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa lahat ng accredited online gambling sites sa ilalim ng PAGCOR.

“I pray that some concerned citizens petition the SC to declare a TRO on all PAGCOR accredited online gambling sites.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Unang kinontra ni Cardinal David ang paliwanag ng PAGCOR sa pagpapahintulot nito sa operasyon ng mga online gambling para sa makukolektang buwis para sa bansa.

Binigyan diin ng Cardinal na hindi matutumbasan ng anumang halaga o kita ng pamahalaan ang pinsalang dulot ng pagsusugal sa pamilya at lipunan, lalo na sa mga kabataang nagiging biktima ng bisyo at pagkakalulong dito.

Ipinaalala ni Cardinal David na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mamamayan laban sa mga mapanganib na anyo ng sugal at hindi ito dapat gawing opisyal na negosyo ng estado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 11,012 total views

 11,012 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 33,078 total views

 33,078 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 48,774 total views

 48,774 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 56,858 total views

 56,858 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 120,219 total views

 120,219 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top