Pagbaha ng trahedya at kasinungalingan sa pamahalaan, isang napakalalim na trahedya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,234 total views

Itinuturing ni Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD na mas malalim na trahedya pa rin ang pagbaha ng kasinungalingan at katiwalian sa pamahalaan.

Ito ang ibinahagi ng Pari na siya ring Founder at President ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. at Program Paghilom kaugnay sa usapin ng katiwalian sa mga ghost flood control projects at malawakang pagbaha sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Villanueva, bagamat sa mga nagdaang araw ay naranasan ng lahat ang pagbaha na dulot ng ulan, basura, at tubig baha ay mas nakakalungkot at mas malalim na trahedya pa rin ang pagbaha ng kasinungalingan, panloloko at pagsasabwatan ng mga contractor at ilang opisyal ng mga pamahalaan na magkasabwat na lumikha ng sistema ng panloloko at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Sa mga nagdaang araw nakita natin binaha tayo ng ulan, binaha tayo ng tubig, binaha tayo ng basura, madaming nasalantaan pero hindi ito ang nakakalungkot, ang mas malalim na trahedya ay yung binaha tayo ng mga walang-hiya, binaha tayo ng mga taong pinagkatiwalaan natin na mamuno, manungkulan, binaha tayo ng kasinungalingan, binaha tayo ng panloloko sa dahilang itong mga taong kasama ng mga contractor ay magkasabwat na lumikha ng sistemang panloloko sa bayan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Mariin namang nanawagan ang Pari sa bawat mamamayan na huwag pahintulutan ang patuloy na pag-iral ng sistema ng kalokohan at katiwalian sa bayan sa pamamagitan ng pagbaha ng panawagan ng kabutihan at galit sa katiwalian, kasabay ng pagbaha ng sigaw para sa pagbabago, paghilom, at katarungan kasama na ang pananagutan ng lahat ng mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan.

Pagbabahagi ng Pari, ang homeless o mga palaboy sa lansangan ang unang nasasalanta at natataranta sa tuwing bumubuhos ang ulan at tumataas ang tubig baha sapagkat wala silang mga matirhan.

“Mga kapatid, huwag nating pahintulutan ang sistemang kalokohan at korapsyon na ito, bahain natin sila ng ating mga panawagan, bahain natin sila ng kabutihan ngunit galit sa korapsyon, bahain natin sila ng sigaw, ng pagbabago, paghilom, at katarungan kasama na ang dapat nilang pananagutan.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Giit ni Fr. Villanueva, bukod sa paninindigan para sa pananaig ng katotohanan at katarungang panlipunan ay mahalaga ring patuloy na manalangin ang lahat na dumami pa ang mga mamamayang patuloy na maninindigan para sa kabutihan ng sambayanan at pagwawaksi ng baluktot na Sistema sa pamamahala sa bansa.

Una ng inihayag ni Senator Panfilo Lacson na tanging 40-porsyento lamang ng pondo sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan ng mamamayan habang ang iba ay napupunta sa substandard, unfinished projects at katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 36,682 total views

 36,682 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 121,441 total views

 121,441 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,901 total views

 138,901 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 183,599 total views

 183,599 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top