Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RVA at FABC, maglulunsad ng International Short Film Contest para sa ika-10 Anibersaryo ng Laudato Si’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,516 total views

Ilulunsad ng Radio Veritas Asia (RVA) at Federation of Asian Bishops’ Conferences–Office of Social Communications (FABC-OSC) ang isang International Short Film-Making Competition bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng ensiklikal na Laudato Si’ ng yumaong Papa Francisco.

Ito ang Laudato Si’: Care for Creation Filmmaking Contest, na layong itaas ang kamalayan ng publiko, lalo na sa Asya, tungkol sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng maiikling pelikula.

Sa temang Environmental Advocacy in Asia: Translating the Vision of Laudato Si’ into Care for Our Common Home, pagtutuunan ang kultura at kagandahan ng kalikasan, maging ang mga hamon ng deforestation, polusyon, climate change, at sapilitang paglisan ng mga pamayanan dahil sa mga sakuna.

“This contest aims to amplify voices and stories that highlight both the beauty of creation and the pressing environmental challenges we face… The theme calls for ecological conversion and urges individuals and communities to take meaningful, transformative action toward environmental stewardship,” ayon sa post ng RVA.

Inaanyayahan ang mga filmmaker, estudyante, youth groups, social communications ministries, environmental advocates, at iba’t ibang organisasyon sa Asya na lumikha ng tatlo hanggang limang minutong original short film na nasa wikang Ingles o may kasamang English subtitles. Dapat nasa 1920×1080 pixels resolution ang entry, at isang pelikula lamang ang maaaring isumite ng bawat kalahok.

Magkakaloob ng USD 1,000 para sa 1st prize, USD 800 para sa 2nd prize, at USD 500 para naman sa 3rd prize.

Habang sampung finalists naman ang makakatanggap ng tig-USD 100 bilang consolation prize, at lahat ng makakapagsumite ng kwalipikadong entry ay tatanggap ng certificate of recognition.

Susuriin ang mga kalahok batay sa kaugnay sa tema ng Laudato Si’ sa konteksto ng Asya, creativity and originality, technical quality, epekto sa damdamin at lipunan, at linaw ng mensahe at panawagan sa pagkilos.

Iaanunsyo naman ang mga mananalo sa December 10, 2025.

Ang deadline ng submission of entries ay sa November 10, 2025, alas-11:59 ng gabi, Philippine Time.

Para sa mga nais lumahok, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Radio Veritas Asia o magpadala ng e-mail sa [email protected].

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 23,973 total views

 23,973 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 91,461 total views

 91,461 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 112,526 total views

 112,526 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 135,050 total views

 135,050 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 170,915 total views

 170,915 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top