Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,129 total reads

Unti-unti nang naaalis ang maskara ng mga mastermind sa 545-bilyong pisong collusion sa flood control projects ng pamahalaan.

Nagiging klaro na ang lahat, ang halos lahat ng mga flood control projects ng pamahalaan ay konektado sa mga kongresista maging ng mga Senador. Ang bilyun-bilyong pisong kontrata ay pabuya ng mga mambabatas sa kanilang mga kamag-anak at mga nagdonate sa kanilang kampanya para manalo sa halalan.

Ito ay multi-bilyong pisong “utang na loob” scam, sa pagitan ng mga mambabatas, opisyal ng DPWH, COA, at mga kaalyadong kontraktor. Nagsimula ang matinding katiwalian sa mga flood control projects ng gobyerno sa administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte at noo’y DPWH secretary Mark Villar na nahalal namang Senador. Bago pa nabunyag sa pamumuno ni DPWH secretary Manuel Bonoan ay boom na boom na sa anim taong panunungkulan ni Villar ang laganap na katiwalian sa flood control projects.

Kapanalig, ang multi-bilyong pisong budget insertions ay laganap na noong pang administrasyon ni dating pangulong Duterte.

Nabunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa collusion sa flood control projects ng pamahalaan bago pa sumikat sa 40-luxury vehicles si Cezarah Rowena Discaya ay nakipag-joint venture na ito sa CLTG Builders nap ag-aari ng ama ni Senador Bong Go sa multi-bilyong pisong flood control projects sa Davao city. Ang sabi ni Senador Go, walang siyang kinalaman., wala siyang alam sa joint venture at palpak na flood control projects. “Wala akong alam”, ito ang sumisikat na litanya ng mga mambabatas sa iniimbestigahang katiwalian.

Natuklasan naman sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, Good Government and Accountability at Public Works “in-aid-of-legislation” na tumanggap si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng 30-milyong pisong campaign donation sa may-ari ng Centerways Construction. Kapalit nito ang pagkupo ng Centerways ng multi-bilyong pisong flood control projects sa Bicol region particular na sa Sorsogon na lalawigan ng Senador. Inamin ng Senador ang donasyon, pero wala siyang alam sa mga proyektong ibinigay sa Centerways.

Idinawit naman ng sinibak na district engineer ng DPWH sa Bulacan na si Henry Alcantara ang pangalan ni Senador Joel Villanueva sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan particular na ang proyekto na binisita ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naging mitsa ng expose sa flood control projects scam. Eh, wala din alam si Senador Villanueva? Bakit daw siya?

Sa expose ni Senador Panfilo Lacson na 70-Senador at Kongresista ang may kinalaman sa laganap na katiwalian sa flood control projects., 18 pa lamang ang natukoy na.

Ito ay sina Senate President Francis Escudero, Senador Joel Villanueva., Senador Bong Go at mga kongresista na sina AKO-Bicol partylist representative Zaldy Co, Ferdinand Beltran, Cong.Edwin Gardiola,Cong.Munir Arbison Jr., Cong.Jolo Revilla., Congresswoman Lanie Mercado-Revilla., Cong.Bryan Revilla,Cong.Rudge Gutierrez, Congresswoman Caroline Agyao, Cong.Carlos Luria,Congresswoman Tina Pancho at Congresswoman Cristina Angeles.

Kapanalig, nararapat sa mga mambabatas na ito na idiskulipika sa puesto at ikulong.

Ika nga sa kasabihan, walang naitatagong lihim..Sinasabi din ng (John 8:32) “The truth will set you free”.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,193 total reads

 1,193 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 23,229 total reads

 23,229 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,790 total reads

 63,790 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,607 total reads

 90,607 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,872 total reads

 138,872 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,911 total reads

 159,911 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 23,230 total reads

 23,230 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,791 total reads

 63,791 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,608 total reads

 90,608 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top