Ramon Magsaysay awardee, pakikibahagi sa A Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,424 total reads

Nakatakdang makibahagi si Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan ng taong bayan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa pamahalaan.

Tinaguruian ang pagkilos na ‘A Trillion Peso March’ na nakatakda sa ika-21 ng Setyembre, 2025 ganap na alas-dos ng hapon sa EDSA People Power Monument kung saan inaanyayahan ang lahat na magsuot na putting damit upang ipakita ang paghahangad ng katotohanan at pananagutan ng mga Pilipino kaugnay sa trilyong pisong halaga ng kaban na bayan na nauwi sa katiwalian.

“Sa September 21 po halina at makiisa sa rally, sa martya, sa panalangin na gagawin natin sa [EDSA] People Power Monument sa kahapunan. Tayo ay makiisa upang sabihin nating ‘sobra na, tama na, ikulong na ang mga salarin upang sa gayun magsimula ang paghilom, at sa paghilom may bagong bayan na pwedeng ayusin.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Ayon sa Pari, napapanahon ng mawakasan ang kaguluhan, katiwalian at panlilinlang na higit pang lumaganap sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Giit ni Fr. Villanueva, “Hindi nagtrabaho ng matino ang mga pulitiko at mga negosyanteng dapat mag-alay ng kaayusan sa kanilang buhay at naniniwala ako, dumanak ang hapag ng kademonyuhan nung panahon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hapag ng panlilinlang, hapag ng fake news, hapag ng panloloko at kabastusan, at higit sa lahat hapag ng pagdanak ng dugo sa paraan ng pagtokhang at pagpatay -Hindi po ito ang handog ni Hesus, hindi po ito handog ng Simbahan.

Pagbabahagi ng Pari, dapat na muling lumaganap sa lipunan ang hatid ni Hesus sa daigdig na pagkakaibigan, katarungan, pag-ibig at pag-asa lalo na para sa mga lider at opisyal ng bayan na lantad sa iba’t ibang tukso ng pagtataksil sa tiwala at dignidad ng bayan.

“Si Hesus ay nagdala ng hapag ng pagkakaibigan upang ang mga naghahanap ay mapalapit sa kanya, si Hesus ay nagdala ng hapag ng piging ng pag-asa upang tayo na naghahanap ng katarungan, mga nasusugatan ay maaring lumapit sa kanya at makakita ng pag-asang ganap, si Hesus po ay nagdala ng hapag upang ang diwa ng sakripisyo at serbisyo ay ating maunawaan, hindi tulad ng mga nakakalungkot na pulitiko, kongresista, mga senador na nang-hudas at nangtaksil sa kanilang sinumpaang tungkulin.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Una ng inihayag ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na walang halong pulitika ang nakatakdang pagkilos na hindi naglalayong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at lalong hindi rin nananawagan sa pagpapauwi sa bansa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa halip ay nanawagan ng ganap na pagpapanagot sa lahat ng mga magkakasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Matatandaang batay sa datos ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024, tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian patuloy na nagaganap sa Pilipinas.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,659 total reads

 4,659 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,837 total reads

 58,837 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,628 total reads

 95,628 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 127,940 total reads

 127,940 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,600 total reads

 178,600 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,218 total reads

 240,218 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top