Diocese of Tagbilaran, magsasagawa ng malawakang kilos protesta laban sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,984 total reads

Makiisa ang Diocese of Tagbilaran sa malawakang pagkilos kontra korapsyon sa September 21.

Ayon kay outgoing Tagbilaran Bishop Alberto Uy, makiisa ang lokal na simbahan sa Bohol sa pagtitipon na tinaguriang “LIHOK BOL-ANON BATOK SA KORAPSYON” na may temang “PAGPAKABANA KONTRA KURAKOT.”

Paalala ni Bishop Uy sa mga lalahok sa pagtitipon na manindigan bilang mga Pilipinong may malasakit sa kalagayan ng bansa at iwasan ang anumang kulay ng pulitika.
“Come out not carrying political colors or party names, but carrying only one identity—that of a Filipino who loves our beloved Philippines. It is time for us to unite: for God, for country, and for our people,” ayon kay Cebu Archbishop-designate Uy.

Ayon sa pastol, layunin ng pagtitipon ang pagbubuklod ng mamamayan sa pananalangin para sa pagbabago ng puso ng mga halal na lider at lahat ng lingkod-bayan upang tunay na maisulong ang kabutihang panlahat at matuldukan ang talamak na korapsyon.

Inaanyayahan ni Bishop Uy ang mga Boholano na magkaisang manindigan para sa bansang Pilipinas.

“This Sunday, September 21, 2025, let us all wear white—a sign of peace and purity. I invite every Boholano to unite in working for peace and for integrity, not only in public service but also in the way we live our private lives,” dagdag ng obispo.

Ang Lihok Bol-anon ay isang inisyatibo mula sa simbahan, akademya, at mga Civil Society Organizations sa pangunguna ng Bohol Initiatives for Good Governance (BIGG), na naglalayong ipahayag ang mariing pagkundena sa malawakang korapsyon, lalo na sa paggamit ng pondo ng bayan, partikular na ang kasalukuyang isyu ng maanomalyang flood control projects.
Binigyang-diin ng mga convenors ng pagtitipon na ito ay isang non-partisan at non-political na hakbang, at isang nagkakaisang panawagan para sa katapatan, pananagutan, katarungan, responsibilidad, at tunay na paglilingkod sa kapwa.

Magsisimula ang pagtitipon sa alas-tres ng hapon mula sa iba’t ibang lugar sa Tagbilaran City, at magtatapos sa Plaza Rizal sa harap ng St. Joseph the Worker Cathedral Shrine. Magkakaroon ng mga pagtatanghal at talumpati, at magtatapos ang gawain sa isang Prayer and Lighting Ceremony of Hope na pangungunahan ni Archbishop-designate Uy.

Kasabay ng Lihok Bol-anon, magsasagawa rin ng malawakang pagkilos sa EDSA People Power Monument sa Quezon City na lalahukan ng mga obispo, pari, at relihiyoso sa ilalim ng “Trillion Peso March.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,097 total reads

 23,097 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,674 total reads

 59,674 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,944 total reads

 285,944 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,411 total reads

 179,411 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,219 total reads

 272,219 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top