Sama-samang paninindigan laban sa katiwalian, layunin ng rally sa EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,595 total reads

Nilinaw ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ang layunin at adhikain ng nakatakdang malawakang pagkilos laban sa katiwalian sa September 21, 2025 sa EDSA People Power Monument.

Ayon kay Rev. Fr. Albert Delvo – Pangulo ng Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) at isa sa mga convenor ng CLCNT layunin ng malawakang pagkilos na ipakita ang sama-samang paninindigan ng lahat laban sa talamak na katiwalian na nagaganap sa lipunan.

Giit ng Pari, walang halong pulitika ang nakatakdang pagkilos na hindi naglalayong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at hindi rin nananawagan sa pagpapauwi sa bansa ni dating Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Fr. Delvo, tanging pagpapanagot sa lahat ng mga magkakasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ang layuning ipapanawagan ng nakatakdang National Day of Action Against Corruption na tinaguriang ‘Trillion Peso March.’

“Ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ay inorganisa at isinusulong nito ang laban sa korapsyon, so hindi nasa loob ng agenda namin na pauwiin ang dating Pangulong Duterte, hindi din kasama sa loob [ng agenda namin] na panagutin si Pangulong Marcos o patalsikin si Pangulong Marcos hindi po, at saka hindi din po ito inorganisa para pabagsakin ang current administration absolutely no.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Delvo sa Radyo Veritas.

Una ng inihayag ng CLCNT na layunin ng nakatakdang gawain ang ipapanawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, partikular na ang bilyon-bilyong pisong pondo na nasayang dahil sa unfinished, ghost at substandard flood-control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan kabilang sa mga isinasangkot ang ilang opisyal ng gobyerno mga kongresista, senador at mga contractors.

Hinihikayat ang mga nais na dumalo sa pagkilos na magsuot ng puting damit upang ipakita ang pagkakaisa ng lahat para sa katarungan, katotohanan at kapakanan ng bayan(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,140 total reads

 233,140 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,871 total reads

 264,871 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,695 total reads

 366,695 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,258 total reads

 407,258 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,296 total reads

 418,296 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top