Pagsasaayos ng transportation system at imprastraktura, napagkasunduan sa ALTMobility summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,666 total reads

Naging matagumpay ang isinagawang huling bahagi ng ALTMobility Philippine Mobility Summit 2025.

Pormal na ipinasa kay Department of Transporation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang mga mungkahi, apela at napagkasunduan sa Mobility Summit na nagsimula noong Abril at natapos noong September 15 kung paano mapapabuti ang transportation sector para sa mga Pilipino.

Ayon kay ALTMobility Philippines Director – Patricia Mariano, sa nakalipas limang buwan na talakayan ay nabuo ang matitibay na plano at pakikipagtulungan sa pamahalaan, private sector, mga paaralan at transport stakeholder hinggil sa mahalagang hakbang na kailangang simulan at pagtulungan upang mapabuti ang transport sector.

“The importance of collaboration or you know as we call it nga din po ‘Co-design’ I think at its core our cities, our transportation, it has to be for the people and it can only be for the people if we listen to each other if we try to understand where our concerns lie, how we can address those, we know that there are limitations to what government can do, to what private sector can do, to what individuals and civil society can do but I truly believe if we come together and with this shared goal of improving our mobility, improving our cities then we can find ways to overcome this challenge,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mariano.

Tiniyak naman ni Undersecretary Pastor na pag-aaralan nang kanilang DOTr ang mga nakapaloob sa ipinasang dokumento ng ALTMobility at partnered agencies upang higit na mapabuti ang transport sector para sa mga Pilipino.

Inamin ni Pastos na napapanahon ang pagtutulungan sa pagitan ng private commutters at public sector ng tranportasyon upang higit na mapabuti ang sistema at mabigyan ng pinaigting na serbisyo ang mga Pilipino.

Napagkasunduan sa Philippine Mobility Summit ang pagtutulungan ng Department of Transportation, ALTMobility Philippines at pribadong sector sa edukasyon at transportasyon upang higit na maisaayos ang mga imprastraktura at public transportation system.

Sa kasunduan, palalakasin ang mga institusyon at pamamahala sa maayos na transportasyon, kaligtasan sa kalsada, pagpapatupad ng mga inclusive street design at climate-resilient infrastructure, at public spaces para sa mga bata, matatanda, persons with disabilities, pedestrian at siklista.

Pinagtibay din ang pagpapalawak ng mga pagpipilian sa pampublikong transportasyon upang matiyak magkaka-ugnay at maayos ang sistema, gayundin ang pagpapanatili ng katapatan o transparency sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga transport projects.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 70,036 total reads

 70,036 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 118,203 total reads

 118,203 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 166,074 total reads

 166,074 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 270,020 total reads

 270,020 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 352,843 total reads

 352,843 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top