Ramon Magsaysay awardee, pakikibahagi sa A Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,493 total reads

Nakatakdang makibahagi si Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan ng taong bayan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa pamahalaan.

Tinaguruian ang pagkilos na ‘A Trillion Peso March’ na nakatakda sa ika-21 ng Setyembre, 2025 ganap na alas-dos ng hapon sa EDSA People Power Monument kung saan inaanyayahan ang lahat na magsuot na putting damit upang ipakita ang paghahangad ng katotohanan at pananagutan ng mga Pilipino kaugnay sa trilyong pisong halaga ng kaban na bayan na nauwi sa katiwalian.

“Sa September 21 po halina at makiisa sa rally, sa martya, sa panalangin na gagawin natin sa [EDSA] People Power Monument sa kahapunan. Tayo ay makiisa upang sabihin nating ‘sobra na, tama na, ikulong na ang mga salarin upang sa gayun magsimula ang paghilom, at sa paghilom may bagong bayan na pwedeng ayusin.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Ayon sa Pari, napapanahon ng mawakasan ang kaguluhan, katiwalian at panlilinlang na higit pang lumaganap sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Giit ni Fr. Villanueva, “Hindi nagtrabaho ng matino ang mga pulitiko at mga negosyanteng dapat mag-alay ng kaayusan sa kanilang buhay at naniniwala ako, dumanak ang hapag ng kademonyuhan nung panahon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hapag ng panlilinlang, hapag ng fake news, hapag ng panloloko at kabastusan, at higit sa lahat hapag ng pagdanak ng dugo sa paraan ng pagtokhang at pagpatay -Hindi po ito ang handog ni Hesus, hindi po ito handog ng Simbahan.

Pagbabahagi ng Pari, dapat na muling lumaganap sa lipunan ang hatid ni Hesus sa daigdig na pagkakaibigan, katarungan, pag-ibig at pag-asa lalo na para sa mga lider at opisyal ng bayan na lantad sa iba’t ibang tukso ng pagtataksil sa tiwala at dignidad ng bayan.

“Si Hesus ay nagdala ng hapag ng pagkakaibigan upang ang mga naghahanap ay mapalapit sa kanya, si Hesus ay nagdala ng hapag ng piging ng pag-asa upang tayo na naghahanap ng katarungan, mga nasusugatan ay maaring lumapit sa kanya at makakita ng pag-asang ganap, si Hesus po ay nagdala ng hapag upang ang diwa ng sakripisyo at serbisyo ay ating maunawaan, hindi tulad ng mga nakakalungkot na pulitiko, kongresista, mga senador na nang-hudas at nangtaksil sa kanilang sinumpaang tungkulin.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Una ng inihayag ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na walang halong pulitika ang nakatakdang pagkilos na hindi naglalayong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at lalong hindi rin nananawagan sa pagpapauwi sa bansa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa halip ay nanawagan ng ganap na pagpapanagot sa lahat ng mga magkakasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Matatandaang batay sa datos ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024, tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian patuloy na nagaganap sa Pilipinas.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,806 total reads

 3,806 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 15,003 total reads

 15,003 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 55,563 total reads

 55,563 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 82,800 total reads

 82,800 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 131,065 total reads

 131,065 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 152,486 total reads

 152,486 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,807 total reads

 3,807 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 25,143 total reads

 25,143 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 25,096 total reads

 25,096 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top