Panagutin ang mga sangkot sa katiwalian, hamon ng PPCRV sa administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,301 total reads

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga opisyal ng pamahalaan na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian, at ipakita na “no one is above the law.”

Sa pahayag ng grupo, iginiit ng PPCRV na dapat papanagutin at ipakulong ang mga nagkasala, at ibalik ang mga pondong ninakaw upang magamit sa mga proyektong makatutulong sa mamamayan gaya ng poverty alleviation, disaster response, progressive education, at nutritional enrichment programs.

Ayon sa PPCRV, ang ganitong hakbang ay hindi lamang usapin ng batas kundi isang moral na tungkulin upang maibalik ang tiwala ng taumbayan. Kasabay nito, nanawagan din ang grupo ng lubos na transparency sa pamahalaan at sa mga halal na lider, kabilang ang pag-alis sa mga “shadow contracts” at pagsasapubliko ng mga proyekto upang mabantayan ng mamamayan.

“We demand accountability and the incarceration of those who are guilty, proving that no one is above the law. We demand that the funds pocketed by the guilty be returned and funneled into much needed poverty-alleviation, disaster amelioration, progressive education, and nutritional enrichment projects. We demand transparency from our government and the leaders that we voted for.” Bahagi ng pahayag ng PPCRV.

Binigyang-diin ng grupo na dapat patuloy na ipaglaban ng bawat mamamayan ang tunay na pananagutan at hustisya upang wakasan ang kultura ng katiwalian.

“We must demand without reprieve so that true accountability and true justice can happen. Let us not forget. And should complacency and acceptance creep in yet again in our history, remember with compassion those whose lives were swept away by floods which could have been avoided if money had been properly spent.” Dagdag pa ng PPCRV.

Hinimok din ng grupo ang sambayanan na alalahanin ang mga biktima ng kapabayaan at katiwalian — ang mga namatay sa pagbaha dahil sa mga proyektong ghost o substandard, ang mga Pilipinong baon sa utang at kahirapan, ang mga batang nawalan ng pag-asa at edukasyon dahil sa kasakiman, at ang mga tinig ng mga mahihirap na patuloy na nananahimik.

Naniniwala ang PPCRV na ang panawagan laban sa katiwalian ay hindi lamang politikal, kundi isang panawagan ng budhi upang muling ibalik ang dangal ng pamahalaan, ang dignidad ng mamamayan, at ang pananampalatayang Kristiyano na umiibig sa katotohanan at katarungan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,634 total reads

 14,634 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,968 total reads

 72,968 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,335 total reads

 158,335 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,071 total reads

 205,071 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,942 total reads

 252,942 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,353 total reads

 353,353 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top