CADP, nanindigan sa panukalang ibalik ang death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,428 total reads

Nanindigan ang Coalition Against Death Penalty (CADP) laban sa patuloy na mga panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ito ang bahagi ng pahayag ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita sa World Day Against the Death Penalty ngayong ika-10 ng Oktubre 2025.

Ayon sa pahayag ng CADP, nananatiling hindi makatao at labag sa dangal ng isang indibidwal ang parusang kamatayan sapagkat ito ay isang anyo ng karahasan at pagpaslang na hindi nagdudulot ng tunay na katarungan.

“On this World Day Against the Death Penalty, we join the global community in affirming a simple but profound truth: The death penalty is an inhumane practice. It is torture. The death penalty protects no one because of a flawed and corrupt justice system. Anyone is vulnerable. It neither heals the wounds of violence nor delivers true justice. Instead, it perpetuates cycles of violence and vengeance, deepens social inequality, and threatens the dignity of every human life.” Bahagi ng pahayag ng koalisyon.

Binigyang-diin din ng CADP na sa halip na wakasan ang karahasan ay lalo lamang palalalimin ng parusang kamatayan ang paghihiganti, kawalang katarungan, at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Dagdag pa ng CADP, ang patuloy na panawagan para ibalik ang death penalty sa bansa ay nagpapakita ng kabiguan ng sistema ng katarungan sa bansa na nagpaparusa sa mahihirap habang pinoprotektahan ang makapangyarihan.

“Recent calls to revive capital punishment often arise in the name of justice. But history reminds us that justice must not be selective. To condemn with the calls for death penalty those who rob the nation of its future, who steal not just money but lives through systemic corruption only expose the reality and inconsistency of a justice system that redounds to punishing the poor and the powerless with death while shielding the powerful with impunity.” Dagdag pa ng CADP.
Mariing iginiit ng koalisyon na ang parusang kamatayan ay hindi katanggap-tanggap sapagkat nilalapastangan nito ang kabanalan at kasagraduhan ng buhay gayundin ang kakayahan ng bawat tao na makapagbago kung saan binigyang diin rin ng CADP na hindi tunay na natutugunan ng death penalty ang tunay na ugat ng kriminalidad sa lipunan.

Giit ng Coalition Against Death Penalty mas dapat na isulong sa bansa ang restorative justice na isang uri ng katarungang nagbibigay-diin sa pagpapagaling, pananagutan, at pagbabalik ng dangal hindi lamang sa nagkasala kundi pati sa mga biktima at sa buong komunidad.

“The death penalty is inadmissible. It violates the sanctity of life and the possibility of redemption. We call for the abolition of this cruel punishment and advocate for restorative justice that seeks accountability. The death penalty does not deter crime. It does not address the root causes of violence and corruption. It does not make our communities safer.” Ayon pa sa CADP.

Kasabay ng paggunita sa Prison Awareness Month ngayong Oktubre, na may temang “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores Dignity of Persons Deprived of Liberty,” ay muling pinagtibay ng koalisyon ang panawagan ng Simbahan para sa pagkilala sa dignidad ng bawat bilanggo.

Layunin ng Coalition Against Death Penalty na hikayatin ang mga mambabatas, mga lider ng iba’t ibang pananampalataya at Kristyanong denominasyon, at mga mamamayan na magkaisa sa pagtataguyod ng makatao, makatarungan, at maka-Diyos na sistema ng katarungan para sa kapayapaan at kabutihan ng sambayanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 1,210 total reads

 1,210 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 52,915 total reads

 52,915 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 89,705 total reads

 89,705 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 122,359 total reads

 122,359 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 173,321 total reads

 173,321 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 234,947 total reads

 234,947 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top