Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malakas na lindol, dama din sa Kidapawan..assessment sa mga simbahan, ipinag-utos

SHARE THE TRUTH

 23,805 total views

Ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na naramdaman maging sa Kidapawan sa North Cotabato ang malakas na pagyanig na dulot ng naitalang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental.

Ayon sa Obispo, naramdaman maging sa diyosesis ang malakas na pagyanig na nagdulot ng takot at paalala sa naganap na malakas na lindol sa rehiyon ng Mindanao noong taong 2019.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas, kasalukuyan na niyang ipinag-utos ang pagsasagawa ng assessment sa mga Simbahan at rectories sa buong Diyosesis ng Kidapawan upang masuri ang pinsala na idinulot ng lindol.

“Yes lakas dito [ang lindol sa] Kidapawan. Takot lang dami kasi na-recall nila 2019 Earthquake dito. Pina-assess ko pa if meron damages churches & rectories.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental pasado alas-9:43 kaninang umaga ng Bivernes, October 10, 2025 na naramdaman din sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Matatandaang taong 2019 ng yanigin ng tatlong magkakasunod na lindol ang rehiyon ng Mindanao sa parehong buwan ng Oktubre -unang naganap ang 6.3-magnitude na lindol sa nasabing taon noong October 16, 2019 na naitala ang epicenter sa Tulunan, Cotabato; sinundan naman ito ng mas malalakas pang pagyanig kung saan sa loob lamang ng isang araw noong October 29, 2019 ng yanigin ng 6.6-magnitude at 6.9-magnitude na lindol ang North Cotabato sa Mindanao na naitala ang epicenter sa parehoyong lokasyon; makalipas naman ang ilang buwan noong December 15, 2019 ay muling niyanig ng 6.9-magnitude na lindol ang Matanao, Davao del Sur na 30-kilometro lamang ang layo sa Tulunan, North Cotabato.

Una ng nanawagan ang Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na manatiling alerto, unahin ang kaligtasan, at sama-samang manalangin para sa proteksyon at katatagan ng mga pamilyang nasalanta ng lindol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,926 total views

 34,926 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,758 total views

 57,758 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 82,158 total views

 82,158 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 101,050 total views

 101,050 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,793 total views

 120,793 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 24,640 total views

 24,640 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top