Sakripisyo ng mga Pilipino sa ibayong dagat, kinilala ng Obispo ng Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,368 total reads

Ibinahagi ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pakikiisa sa mga Overseas Filipino Workes, Filipino migrant at Seafarer sa pagdiriwang ng simbahan ng Jubilee for Migrants.

Ayon kay Bishop Ayuban, higit na kinakailangan ngayon ng pinaigting na pagkakaisa upang matulungan ang bawat isang kabilang sa sektor na magkaroon ng maunlad na pamumuhay.

Kinilala ng Obispo ang mga Filipino nasa iba’t-ibang bahagi ng mundo na bukod sa tulong sa pagpapalago ng ekonomiya, ay higit nilang pinapalaganap ang pananampalataya na tinawag ng yumaong Pope Francis na mga ‘smugglers of faith’.

“We remember with gratitude the countless sacrifices of our Filipino brothers and sisters abroad, the late Pope Francis once called the Filipinos ‘smugglers of faith’ wherever they go, they bring their devotion, their joy and their witness to Christ, truly our migrants become missionaries of hope in every corner of the world but their journey is not easy,” ayon sa mensahe ni Bishop Ayuban.

Panalangin ng Obispo na nawa ay mabatid din ng bawat Pilipino ang pangangailangan ng mga migrante at kanilang pamilya na naiiwan sa Pilipinas upang mapaigting ang pagkalinga sa sektor at kanilang pamilya.

Ipinagdarasal din ng Obispo na tugunan ng panginoon ang kanilang mga dasal upang magkaroon ng pag-asa at tibay ng loob na malampasan ang anumang hamon na mapalayo sa kanilang pamilya.

Ito ay dahil sa pag-alis sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibayong dagat ay nararanasan ng sektor ang madalas na pagkasira o paglayo ng loob ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa matagal na panahong hindi magkakasama.

“And yet what gives them the courage to endure? it is ‘Hope’, hope their sacrifices will give their children a better life, hope that loneliness and distance will not destroy love, hope that God who sees every tears and every prayers will reward their perseverance, this is why migrants are truly missionaries of hope, in their carries, in their perseverance and in their faith they show that love is stronger than distance and that faith can survive even in danger, their witness reminds us all that God never abandons his children especially those far from home,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Ayuban.

Tiniyak naman ni Bishop Ayuban ang pakikiisa at pagkalinga, higit na sa Diyosesis ng Cubao at Diocesan Migrants Ministry nito para sa mga migranteng Pilipino o kanilang pamilya.

Naunang ipinagdiwang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang National Migrants Sunday 2025 sa temang ‘Migrants: Missionaries of Hope’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 26,761 total reads

 26,761 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,825 total reads

 63,825 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,036 total reads

 82,036 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,364 total reads

 166,364 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 202,508 total reads

 202,508 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,623 total reads

 20,623 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top