24-bansa, nakiisa sa One Million Children Praying the Rosary 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,636 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang sanggay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need – Philippines sa aktibong pakikibahagi ng bansa sa taunang pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa buong daigdig.

Batay sa datos ng ACN-Philippines sa naganap na One Million Children Praying the Rosary noong ika-7 ng Oktubre, 2025 ay umabot sa 599,678 ang nakibahagi sa sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo sa bansa.

Una nang inihayag ni ACN-Philippines National Director Max Ventura na ang taunang One Million Children Praying the Rosary ay bahagi ng pandaigdigang gawain ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need na isinasagawa sa buong mundo, bilang patunay ng iisang pananampalataya at pag-asa ng mga Kristiyano.
“Ang pakikiisa sa pananalangin, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Dahil nga po sa ilalim ito ng Aid to the Churching Need, na isang Papal Foundation, at nasa 24 na bansa sa buong mundo. So nakikiisa tayo sa lahat ng mga kabataan na nagdarasal para nga sa ating mundo.” Bahagi ng pahayag ni Ventura sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Ventura ng pagbabalik-loob at pagkakaisa lalo na sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng mga kaguluhan at krisis na kinahaharap ng Pilipinas upang manaig ang pagmamahal na itinuturo ni Kristo.

“Sana magkaisa at mabawasan ang mga kaguluhan, ang mga gera. At sana nga magbalik loob. Lalo na ang mga pinuno natin, lalo na dito sa Pilipinas, na sana ang manaig ay ang pagmamahal na siyang tinuro ng ating Panginoong Hesus.” Dagdag pa ni Ventura.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

‎Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang inilunsad ang gawain sa bansa noong taong 2016.

Isinagawa ang One Million Children Praying the Rosary ngayong taon sa sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa bayan ng Rosario, Cavite na pinangunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Imus na si Bishop Reynaldo Evangelista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,590 total reads

 47,590 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,351 total reads

 127,351 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,798 total reads

 160,798 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,096 total reads

 196,096 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,798 total reads

 420,798 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top