Diocese of Malolos, itinakda tuwing Sunday masses ang “National Cry for Mercy and Renewal”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,641 total views

Itinatakda ng Diyosesis ng Malolos ang sabayang pagdarasal ng “Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan” o “National Cry for Mercy and Renewal” sa lahat ng Misa tuwing Linggo ngayong Oktubre at Nobyembre 2025.

Ito ang tugon ng diyosesis sa paanyaya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para sa sama-samang pananalangin ng sambayanan sa isang mapanagutan, matapat, at mabuting pamamahala sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng Diyosesis ng Malolos, darasalin ang naturang panalangin kapalit ng Panalangin ng Bayan bilang konkretong tugon ng mga mananampalataya sa panawagan ng Simbahan na humingi ng awa ng Diyos para sa bayan at sa muling pagbangon ng sambayanan mula sa mga kasalukuyang suliranin.

“Bilang tugon sa paanyaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), itinatakda sa Diyosesis ng Malolos ngayong Buwan ng Oktubre at Nobyembre 2025 ang pagdarasal ng “Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan” o ang “National Cry for Mercy and Renewal” sa mga Misa ng Linggo (Sunday Masses). Darasalin ito kapalit ng Panalangin ng Bayan.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.

Layunin ng gawain na pag-isahin ang sambayanang Katoliko sa isang pambansang panalangin ng pagsisisi, awa, at pagbabagong-loob, lalo na sa gitna ng mga kalamidad, katiwalian, at kawalan ng katarungan sa lipunan.

Sa pamamagitan ng sabayang pananalangin, hinahangad ng Simbahan na muling pag-alabin ang pananampalataya, pag-asa, at pagmamahalan ng sambayanang Pilipino upang makamit ang tunay na katarungan at kapayapaan na nagmumula sa Diyos.

Ang Diyosesis ng Malolos ay binubuo ng may 120-parokya mula sa buong probinsya ng Bulacan at lungsod ng Valenzuela.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 12,596 total views

 12,596 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 87,210 total views

 87,210 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 167,289 total views

 167,289 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 210,428 total views

 210,428 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 210,748 total views

 210,748 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top