Simbahan at pangulong Duterte, magkasundo na tuldukan na ang irresponsible mining.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total reads

Sa layuning ito, nagkakasundo ang Simbahang Katolika at Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o D-E-N-R.

Tulad ng mga lider ng Simbahan, nakita ng Pangulong Duterte ang dedikasyon at pagmamahal ni Lopez sa kapaligiran gayundin ang pagmamalasakit sa mahihirap na apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

Sinabi rin ng Pangulong Duterte na hindi nito hahayaang makompromiso ang kalagayan ng kalikasan laban sa pansariling interes ng mining companies.

Pinatotohanan naman ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP NASSA / Caritas Philippines na nasaksihan nila ang paghihirap ng mga mining affected communities na tinutulungan ng Simbahan.

Naniniwala si Archbishop Tirona na matuldukan na ang pagkasirang dinadala ng minahan sa mga komunidad sa confirmation ng appointment ni Lopez.

Kaya naman hiniling din ng Arsobispo, na nawa ay makumpirma na bilang kalihim ng DENR si Lopez.

“Ang NASSA kasama ng iba pang NGOs at iba pang makataong samahan, lahat kami ay sinusuportahan namin ang kumpirmasyon kay Gina para mahinto na yung irresponsible mining na nakakasira ng mga likas yaman ng ating bayan,” pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas

Magugunitang noong nakaraang Linggo isinagawa ang ikalawang pagdinig ng kumpirmasyon kay Lopez kung saan humarap ito sa 23 kinatawan ng mga kumokontra sa kanya.

Gayunman, inihayag ni Commission on Appointment member Senador Panfilo Lacson na bypassed na ang kumpirmasyon ni Lopez dahil wala ang kalihim sa pagpapatuloy ng confirmation hearing bukas ika-14 ng Marso, 2017.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,183 total reads

 9,183 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,218 total reads

 44,218 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,702 total reads

 80,702 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,913 total reads

 98,913 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,756 total reads

 182,756 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,406 total reads

 378,406 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top