4,322 total views
Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Urban Governance Exemplar Award (UGEA) sa Caritas Philippines.
Ito ay pagkilala ng DILG sa Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtulong na mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang pagkilala ay tinanggap ni Caritas Philippines Head of Humanitarian Program Jeanie Curiano at MSCS, Administrative Officer Sr. Melany Grace Illana.
Ipinangako naman ng Caritas Philippines ang pagpapaigting sa mga inisyatibo na nagbibigay pagkakataon sa mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
“Caritas Philippines is deeply honored to be recognized as one of the recipients of the 2025 Urban Governance Exemplar Award (UGEA) by the Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG–NCR) through the Tangguyob Initiative, under the thematic pillar on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM),” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.
Kabilang sa Seven Alay-Kapwa Legacy Program ang flagship initiative na Alay para sa Kabataan, Alay para sa Kabuhayan, Alay para sa Kalikasan, Alay para sa Kalusugan, Alay para sa Katarungan at Kapayapaan, Alay para sa Karunungan, at Alay para sa Katugunan sa kalamidad.




