Simbahan at civil society groups, nanawagan kay PBBM na magtatag ng Truth Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,710 total reads

Nananawagan ang Simbahan at mga civil society leaders sa pamahalaan na magtatag ng Truth Commission para imbestigahan ang mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao na may kinalaman sa kampanya kontra droga.

Kaugnay nito, papangunahan naman ni Cardinal Pablo Virgilio David, kasama ang mga balo, ulila, at nakaligtas sa mga biktima ng drug war ang isang press conference sa Biyernes, Nobyembre 7, 2025, ika-11 ng umaga sa Archbishop’s Palace, Villa San Miguel, Mandaluyong City.

Layunin ng pagtitipon na manawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng komisyon na tututok sa paghahanap ng katotohanan, hustisya, at tulong para sa mga pamilya ng mga nasawi.

Ang panawagan ay bunga ng isinasagawang multi-sectoral workshop noong Oktubre 10, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa simbahan, paaralan, media, kabataan, negosyo, at iba pang samahan.

Ayon sa mga tagapagtaguyod, mahalaga ang Truth Commission para maipakita ang buong katotohanan at maibalik ang tiwala ng taumbayan sa hustisya.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa Truth Commission Secretariat sa [email protected].

Matatandaan namang 15 taon na ang nakakalipas nang ipag-utos ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang pagtatag ng Philippine Truth Commission sa bisa ng executive order no. 1 na nilagdaan noong July 30, 2010.

Layunin ng komisyon ng pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa malawakang korupsyon sa pamahalaan sa ilalim naman ng sinundan nitong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 136,768 total reads

 136,768 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 170,097 total reads

 170,097 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 202,241 total reads

 202,241 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 268,305 total reads

 268,305 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 278,753 total reads

 278,753 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top