Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,037 total reads

Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa sa lalawigan.

Sa kanyang panawagan, hinimok ng arsobispo ang lahat na magbukas ng kanilang mga puso at tahanan para sa mga nasalanta.

“Many of our brothers and sisters here in Cebu have lost their belongings. Please open your closets and look for clean and presentable clothes, towels, or blankets that you can donate to the victims of the storm,” panawagan ni Archbishop Uy.

Bagama’t hindi pa ganap na nakakabangon ang Cebu mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol kamakailan, muling sinubok ng Bagyong Tino ang lalawigan, at nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap ng mga Cebuanong lubhang apektado ng magkakasunod na kalamidad, kailangang manatiling matatag, nagkakaisa, at patuloy na magbahagi ng pag-asa sa isa’t isa.

“Let us continue to GIVE HOPE (HATAG PAGLAUM) to our struggling brothers and sisters,” dagdag ng arsobispo.

Kaugnay nito, pangungunahan ng Cebu Caritas, bilang social arm ng Archdiocese of Cebu, ang pagtanggap at pamamahagi ng mga tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Para sa mga nais magbahagi ng in-kind donations, maaari itong dalhin sa Pope John XXIII College Seminary Gym sa Mabolo, Cebu City, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kung saan tatanggapin ng Cebu Caritas personnel ang mga donasyon.

Tumatanggap din ang social arm ng cash donations sa Metrobank Peso Account name: Cebu Caritas Inc. sa Account No.: 308-7-308702495.

Nagbabala naman ang simbahan sa publiko na mag-ingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal o grupo na maaaring samantalahin ang sitwasyon at gamitin ang pangalan ng simbahan upang manlinlang ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 135,793 total reads

 135,793 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 169,122 total reads

 169,122 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 201,266 total reads

 201,266 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 267,330 total reads

 267,330 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 277,826 total reads

 277,826 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 123,243 total reads

 123,243 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top