Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Programa ng simbahan sa pagkakawanggawa, higit pang pag-iibayuhin-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

 586 total views

Pormal nang sinimulan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang kanyang tungkulin bilang bagong Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at Pangulo ng Caritas Philippines, kalakip ang pasasalamat at pagpapakumbaba sa misyong ipinagkatiwala sa kanya ng Simbahan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang kanyang bagong tungkulin ay hindi lamang isang pamumuno, kundi pagdudugtong ng sagradong pamana ng mga naunang haligi ng social action sa Pilipinas.

Kabilang sa mga kinilala ni Bishop Alminaza ang mga dating Obispo na sina Bishop Julio Xavier Labayen, Bishop Antonio Fortich, Archbishop Orlando Quevedo, Archbishop Antonio Ledesma, Bishop Broderick Pabillo, Archbishop Rolando Tria Tirona, at Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ayon kay Bishop Alminaza, mahalaga ang mga nasimulan ng mga dating Obispo at haligi ng social action ng Simbahan upang maisulong ang pagiging ganap na Church of the Poor ng Simbahang Katolika.

“As I begin my service as Chairman of the Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace and President of Caritas Philippines, I do so with deep humility and a grateful heart. I inherit not only a mandate but a sacred lineage of prophetic shepherds,” ayon kay Bishop ALminaza.

Dagdag pa ng obispo, “Their courage, communion, and steadfast love for the poor now guide the steps I must take with our people.”

Tinukoy din ng Obispo ang mga naganap na mapayapang kilos-protesta at panawagan para sa truth, accountability, and moral leadership na idinaos sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong November 30, 2025 bilang isang espirituwal na sandali ng pagkakaisa at pag-asa ng sambayanan.

Ibinahagi rin ni Bishop Alminaza ang inspirasyon mula sa mga nagdaang Asian Synodal gatherings sa Bangkok at Penang, Malaysia kung saan hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang Simbahan na maging “Renewed Pilgrims of Hope” o bilang mga tagapaglakbay ng pag-asa na tuwinang pinipili ang landas patungo sa Panginoon.

“This grace-filled assurance echoes what we experienced in the recent Asian Synodal gatherings in Bangkok and Penang. There, Cardinal Tagle called us to be Renewed Pilgrims of Hope who choose the way of the Magi rather than the way of Herod (cf. Mt 2:12) — to take the courageous, creative, and compassionate path in our mission as Church in Asia,” ayon pa ni Bishop Alminaza.

Inihayag din ni Bishop Alminaza ang kanyang limang prayoridad na mga pangunahing direksyong tututukan sa kanyang panunungkulan bilang bagong mangangasiwa sa humanitarian, development and advocacy arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Kabilang sa limang magiging prayoridad ni Bishop Alminaza ang: Paglakad kasama ang mga dukha sa diwa ng tunay na synodality; Pagtindig para sa katarungan, kapayapaan, at demokratikong paggaling ng bayan; Pagtatanggol sa Kalikasan; Pagpapatuloy sa pamana ng mga naunang pinuno ng social action sa Pilipinas; at ang Pamumuno sa isang Simbahang tunay na Synodal.

Muli namang humingi ng panalangin si Bishop Alminaza sa sambayanan upang gabayan ang kanyang paglilingkod ng naayon sa naisin ng Diyos at upang tunay na makatulong sa mga nangangailangan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 168,299 total views

 168,299 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 233,427 total views

 233,427 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 194,047 total views

 194,047 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 255,061 total views

 255,061 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 275,014 total views

 275,014 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top