Pagkakaisa kontra sa katiwalian, political dynasties panawagan sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,951 total views

Nanawagan si Ramon Magsaysay 2025 Awardee at Program Paghilom Founder Fr. Flavie Villanueva, SVD, sa mga lider ng bansa at sa buong sambayanang Pilipino na magsasa-sama laban sa katiwalian at pag-iral ng political dynasties.

Ayon kay Fr. Villanueva, panahon na para wakasan ang korupsyon at panagutin ang lahat ng may kasalanan.

Ipinahayag ng pari ang panawagan kaugnay ng muling pagbubuklod ng mamamayan sa EDSA People Power Monument para sa ikalawang Trillion Peso March noong November 30, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day.

“Panawagan sa mga kinaukulan, panawagan sa mga kababayan, panawagan sa lahat ng Pilipinong naghahangad ng mas magandang bukas–wakasan natin ang korupsyon, ikulong natin ang mga lahat ng may kasalanan, higit sa lahat, ibalik natin ang dangal ng pagiging tunay na Pilipino,” panawagan ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Villanueva ang kahalagahan ng pagmamalasakit at pagkalinga sa kapwa bilang mahalagang hakbang tungo sa tunay na kaunlaran ng lipunan.

Dagdag pa ng pari, hangga’t nagpapatuloy ang pang-aabuso sa kapangyarihan at paglabag sa sinumpaang tungkulin, patuloy ding magdurusa ang mamamayan, lalo na ang mga mahihirap.

“Walang pinagpalang bansa kung ang mahirap ay patuloy na pinababayaan,” ayon kay Fr. Villanueva.

Ayon sa tala ng Caritas Philippines, 86-arkidiyosesis at diyosesis mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kasama ang mga relihiyoso, lay organizations, at civic groups, ang nagpahayag ng suporta sa Trillion Peso March.

Batay naman sa ulat ng Philippine National Police, tinatayang 90,000 katao ang lumahok sa mga isinagawang kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 14,971 total views

 14,971 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 38,123 total views

 38,123 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 108,237 total views

 108,237 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 182,849 total views

 182,849 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 261,903 total views

 261,903 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top