Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP-ECIP, nagpahayag ng suporta sa bagong pinuno ng komisyon

SHARE THE TRUTH

 512 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) sa pagkakatalaga kay Calapan Bishop Moises Cuevas bilang bagong chairman ng komisyon.

Opisyal nang nagsimula ang tungkulin ni Bishop Cuevas noong December 1, 2025, bilang kahalili ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Nagpapasalamat naman ang CBCP-ECIP kay Bishop Dimoc sa limang taong paglilingkod bilang pinuno ng komisyon mula December 2020.

“Isang malugod na pagbati kay Lubos na Kagalang-galang Obispo Moises M. Cuevas, DD sa kanyang pagkakatalaga bilang ECIP Commission Chair at maalab na pasasalamat din kay Lubos na Kagalang-galang Obispo Valentin C. Dimoc, DD sa mga nagdaang taong paglilingkod bilang Commission Chair ng ECIP, “ ayon sa CBCP-ECIP.

Gayunman, mananatili pa rin si Bishop Dimoc bilang katuwang ng komisyon bilang vice-chairman.

Ang CBCP-ECIP ang sangay ng simbahan na nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga katutubo, kabilang ang kanilang karapatan, lupaing ninuno, at pagpapanatili ng kultura at mga tradisyon.

Inaasahang sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Cuevas ay magpapatuloy ang komisyon sa pagsusulong ng mga programa para sa mga katutubo, lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa kanilang mga lupaing ninuno.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 168,792 total views

 168,792 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 233,920 total views

 233,920 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 194,540 total views

 194,540 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 255,551 total views

 255,551 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 275,504 total views

 275,504 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 23,781 total views

 23,781 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top