Libreng gamot para sa mental health

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512,577 total reads

Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health. 

Inanunsyo noong Hunyo ng DOH na magbibigay ng libreng gamot para sa mga may mental health conditions ang ilang pampublikong ospital. Sinimulan ito dito sa Metro Manila. Bilang access sites ng gamot, inaasahang magiging daan ang mga pasilidad na ito para mas marami ang makaunawa tungkol sa mga isyung kaugnay ng kalusugang pangkaisipan. Tandaan natin: hindi lahat ng sakit ay nakikita ng ating mga mata.

Matagal nang usapin ang mental health sa ating bansa. Ayon sa report na pinamagatang Mental State of the World, bumaba ang tinatawag na mental health quotient (o MHQ) sa Pilipinas. Ang MHQ ay pinagsama-samang aspeto ng mental health function—mula sa ating mga emosyon hanggang sa pakikisalamuha natin sa iba. Kabilang din sa MHQ ang kakayahang lampasan ang mga hamon ng buhay at magpatuloy sa buhay anuman ang nangyayari. Ang MHQ ng Pilipinas noong 2024 ay nasa 68.76, mas mababa sa 78.44 noong 2023. Kung mas mataas ang MHQ, mas mabuti ang kalusugang pagkaisipan. Ang iskor natin ay pasok sa kategoryang “managing” o nakakayanan naman.

Pero may mga kapatid tayong maituturing na malubha ang mental health condition at, batay sa assessment ng isang eksperto gaya ng psychiatrist, gamot ang makatutulong sa kanila. Hindi natin iniaalis ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili (o self-care) at ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan, pero may mga pagkakataon kasing kailangan na ng gamutan. Ang nakalulungkot, hindi lahat ay may kakayanang bumili ng mga ito. Napakamahal ng mga gamot na ito sa ngayon, kaya malaking ginhawa kung maibibigay ito nang libre.

Nagsisikap din ang gobyerno na unti-unting burahin ang negatibong pagtingin o  stigmatization sa mental health. Ipino-promote nito ang pananaw na ang mga mental health conditions ay kayang lunasan, at ang mga indibidwal na nakararanas ng mga sintomas ay hindi masasamang tao kundi biktima ng karamdamang hindi nila pinili. Malaki nga ang papel ng gobyerno sa pagpapalaganap ng mas mapagkalingang pananaw sa mga taong may mental health conditions at mas seryosong pagtingin sa isang kalagayang pangkalusugan na hindi kaagad-agad na nakikita. 

Ang mga seryosong mental health conditions ay kasinghirap ng mga pisikal na sakit o karamdaman. Kung ang sakit na pisikal ay nagdudulot ng sakit at kahinaan sa sariling katawan, ang mga mental health conditions ay nagdudulot ng sakit hindi lamang sa sarili, kundi pati rin sa mga mahal natin sa buhay at mga nakapaligid sa atin. Parehas nakapanghihina. Parehas nakakawala ng loob. 

Kaya mahalagang pinagtutuunan din ng pansin at tulung-tulong na tugunan ang isyung pangkalusugan na ito. Tulad nga sa itinuturo sa Galacia 6:2, “Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.” Sa ating pagtutulungan, makapagliligtas tayo ng buhay ng mga kapatid nating nababalot ng matinding takot, labis na kalungkutan, hindi maawat na pagkabalisa, at iba pang mental health conditions. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ipinaaalala naman sa atin ng Simbahan na dapat nating damayan ang ating kapwa, lalo na sa panahon ng kanilang paghihirap at pagkakasakit. Kasama sa kanila ang mga dumaranas ng iba’t ibang mental health conditions.

Mga Kapanalig, alalahanin nating may mga kapatid tayong dahil sa kanilang mental health condition ay hindi makasasabay sa ating pagdiriwang ng itinuturing nating pinakamasayang araw ng taon—ang Pasko. Mabigat sa dibdib ang panahon ito para sa ilan sa kanila, at hindi natin sila dapat sisihin sa kanilang pinagdaraanan. Maipagpatuloy sana ng gobyerno ang pag-abot sa kanila sa pamamagitan ng abot-kayang gamutan. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 124,106 total reads

 124,106 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,435 total reads

 157,435 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,579 total reads

 189,579 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,642 total reads

 255,642 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,886 total reads

 266,886 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 124,108 total reads

 124,108 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,437 total reads

 157,437 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,581 total reads

 189,581 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,644 total reads

 255,644 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top