Panalo para sa edukasyon?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399,323 total views

Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies nito. Ito na raw ang pinakamalaking budget na inilaan para sa sektor ng edukasyon. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naabot ng Pilipinas ang itinakdang pamantayan ng UNESCO para sa pagpopondo sa edukasyon. 

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layon ng gobyerno na direktang suportahan ang mga mag-aaral at guro, at itaguyod ang mga matagal nang hinihintay na reporma sa basic education. Anu-ano raw ito? Mga bago at kinumpuning mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan, mga feeding programs, mga aklat at learning materials, tulong-pinansyal para sa mga mag-aaral, laptops para sa mga guro at estudyante, dagdag na teaching at non-teaching positions, at tuloy-tuloy na pagsasanay para sa mga guro at punongguro. 

Kailangang-kailangan ang mga ito, lalo na’t maraming dapat gawin para umangat-angat ang performance ng bansa sa mga international assessments. Halimbawa, sa 2022 Programme for International Student Assessment (o PISA), na sumusukat sa kakayahan ng mga 15 taóng gulang sa reading, math, at science, nasa dulong puwesto ang Pilipinas. Nasa pangatlo tayo mula sa dulo sa science, at pang-anim mula rin sa dulo sa math at reading. Noong 2025 naman, pang-74 tayo sa 177 bansa sa Global Education Futures Readiness Index. Indikasyon ito ng malaking puwang sa pantay na akses sa edukasyon, gayundin sa pamamahala sa sektor.

Makikita rin ang lalim ng krisis sa edukasyon sa kakulangan ng mga silid-aralan. Kulang tayo ng humigit-kumulang 165,000 classrooms. Para sa 2026, naglaan ng 85.3 bilyong piso para sa pagtatayo ng mga silid-aralan. May karagdagang 19.5 bilyong piso para sa mga aklat at iba pang learning resources, habang 10.6 bilyong piso naman ay mapupunta sa DepEd Computerization Program.

Tinutugunan din ng budget ang mga rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2) na nagsabing hindi malulutas ang krisis sa edukasyon kung mahina ang pundasyon gaya ng maayos na nutrisyon. Kaya’t naglalaan din ang gobyerno ng 25.6 bilyon piso para sa expanded school-based feeding program

Mahalaga ang edukasyon sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat at sa dignidad ng bawat tao. Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, malaki ang papel ng edukasyon upang lumaking buo ang katawan, isip, at pagkatao ng kabataan. Ito rin ang magtuturo sa kanilang maging responsable at harapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang at pagtitiyaga. Paalala nga sa Marcos 10:14, may natatanging lugar ang mga bata sa puso ng Diyos, kaya’t responsabilidad natin, katuwang ang pamahalaan, na tiyakin na ang bawat bata ay may access sa maayos na edukasyon.

Ayon kay Senador Bam Aquino, chair ng Senate Committee on Basic Education, “panalo ang kabataang Pilipino” sa pagkakaapruba ng 2026 national budget. Sa pamamagitan daw nito, mapopondohan na ang mahahalagang programang magpapalakas at mapapabuti sa sektor ng edukasyon. 

Pero walang saysay ang malaking budget para sa edukasyon kung patuloy na kukurakutin ang kaban ng bayan, at kung hindi pananagutin ang mga nasa likod ng malawak na korapsyon sa natuklasan nitong nakaraang taon. Malaki pa rin ang nawawalang pera—perang maidadagdag pa sana sa sektor ng edukasyon.

Mga Kapanalig, ang malaki at makasaysayang budget para sa edukasyon ay dapat tumbasan ng tapat at responsableng paggamit ng mga pinagkatiwalaan natin sa gobyerno. Tungkulin naman nating mga mamamayan na magbantay. Naipatayo ba talaga ang mga silid-aralan? Mas humusay ba ang mga guro? Nakakamit ba ng mga bata ang sapat na nutrisyon? Kung ang isang trilyong pisong budget para sa edukasyon ngayong taon ay magbubunga ng tunay na pagbabago, saka lamang masasabi ng gobyernong panalo nga ang kabataang Pilipinoo.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,170 total views

 18,170 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,184 total views

 68,184 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,053 total views

 64,053 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,063 total views

 100,063 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,801 total views

 107,801 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,171 total views

 18,171 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,185 total views

 68,185 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,054 total views

 64,054 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,064 total views

 100,064 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top