Pangulong Duterte, hindi kalaban-Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na inihayag lamang niya ang nakakaalarmang pagdami ng kaso ng extra-judicial killing sa Pilipinas sa ipinadalang video message sa United Nations International Drug Control Covention sa Vienna, Austria.

Ipinaliwanag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Vice President Rodredo na nakabase sa mga makatotohanang datos ang nilalaman ng video, at hindi layunin nito na kalabanin si pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Hernandez, nais lamang ni Robredo na matigil ang e-j-k kaya nanawagan ito sa pamahalaan na magtulong-tulong upang tunay na malinis ang hanay ng kapulisan na sangkot sa mga pagpatay.

Inihayag ni Hernandez na ng pangalawang Pangulo na maging tinig para sa mga mahihirap na biktima ng mga pagpatay, at mabigyan ng katarungan ang mga pamilyang nangungulila sa kanilang mahal sa buhay na nasawi sa war on drugs.

“Pinalalakas lamang niya yung boses ng mga pamilyang Filipino na hindi alam kung saan sila sasangguni dahil natatakot para sa kanilang buhay. At yun ay paglalahad lamang ng mga nangyayari sa ating bansa at yung bandang dulo ay panawagan sa administrasyon na tuparin yung pangako na linisin yung hanay ng kapulisan, pangalawa ay magkaroon ng imbestigasyon sa mga extra judicial Killings.” paglilinaw ni Hernandez sa panayam sa Programang Veritas Pilipinas

Iginiit ni Hernandez na may legal na pamamaraang pinag-aaralan ang kanilang kampo kaugnay sa mga bashers ni Robredo na nagbabanta sa kaligtasan ng kanyang tatlong anak na babae, at naninira sa yumaong asawa na si DILG Sec. Jesse Robredo.

Sinabi ng tagapagsalita ng pangalawang pangulo na sisikapin nilang maturuan ang mga Filipino na kumilatis ng mga pekeng balita.

Kasama rin sa hakbang na matuturuan naman ng leksyon ang mga umaabuso sa paggamit ng Social Media na nakasisira na sa buhay ng ibang tao.

“Isang adbokasiya rin yung matigil na talaga ang mga fake news at mamulat ang bawat ordinaryong Filipino na matutong mangilatis kung ano talaga ang tama at mali. Pangalawang seryosong pinaghahandaan ay ang isang legal case para masampahan ng kaso yung mga gumagawa ng mga masasamang bagay sa social media na hindi na rin safe para sa atin at sa ating environment.” Pahayag pa ni Hernandez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,725 total reads

 7,725 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,902 total reads

 42,902 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,386 total reads

 79,386 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,597 total reads

 97,597 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,518 total reads

 181,518 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,376 total reads

 378,376 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top