Kawalan ng due process sa pag-aresto sa isang Bacolod broadcaster, binatikos ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,043 total views

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza para kay Erwin “Ambo” Delilan, Station Manager ng 104.7 Hapi Radio FM sa Bacolod City matapos ang kanyang biglaang pagkakaaresto kaugnay ng kasong Unjust Vexation.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng Caritas Philippines na humanitarian, advocacy and social development arm ng CBCP, nakababahala ang mga pangyayari sa pag-aresto kay Delilan, partikular na ang alegasyong na ang subpoena ay ipinadala sa maling address, dahilan upang hindi makasagot at mapagkaitan ng due process si Delilan.

Binigyang-diin pa ni Bishop Alminaza na ang due process ay hindi lamang teknikalidad kundi isang moral at legal na proteksiyon na dapat ipagkaloob sa bawat mamamayan, anuman ang propesyon o katayuan sa buhay.

“We express our deep concern and solidarity with Erwin “Ambo” Delilan, Station Manager sang 104.7 Hapi Radio FM, after his arrest for Unjust Vexation. We are troubled by the circumstances surrounding this arrest, particularly the allegation that the subpoena was sent to an incorrect address, effectively depriving the respondent of the right to reply and due process. Due process is not a technicality; it is a moral and legal safeguard that protects every citizen—regardless of status or profession.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Nanawagan din ang Obispo sa mga kinauukulang awtoridad na igalang ang ganap na due process, pangalagaan ang kalayaan ng pamamahayag, at iwasan ang mga hakbang na maaaring ituring na pananakot o panggigipit sa mga mamamahayag.

Ipinahayag din ni Bishop Alminaza ang kanyang matibay na suporta sa mga journalist at media workers na patuloy na nagpapahayag ng katotohanan sa gitna ng hamon at panganib.

Inanyayahan naman ng Obispo ang lahat na makibahagi sa pananalangin para sa karunungan, katarungan, at pagpipigil, upang ang hustisya ay magsilbi sa kabutihang panlahat at hindi maging kasangkapan ng takot o pananahimik.

“We stand with journalists and media workers who courageously speak truth to power. We pray for wisdom, fairness, and restraint—that justice may truly serve the common good, not fear nor silence.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Giit ni Bishop Alminaza, ang katotohanan ay hindi dapat inaaresto; ang hustisya ay hindi dapat gawing sandata; at ang demokrasya ay hindi dapat pahinain sa pamamagitan ng pagsupil sa sinuman nagbubunyag ng katotohanan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 5,444 total views

 5,444 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 29,760 total views

 29,760 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 65,550 total views

 65,550 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 107,364 total views

 107,364 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 160,281 total views

 160,281 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top