Ordinansang nagtataguyod sa Season of Creation sa Kalinga, pinuri ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,993 total views

Ikinagalak ng Social Action Center (SAC) ng Apostolic Vicariate of Tabuk ang pagpasa ng Provincial Ordinance No. 2026-027 na nagtatakda ng pagtatatag bilang opisyal na programa ng Season of Creation sa lalawigan.

Layunin ng ordinansa na “Institutionalizing of the Season of Creation in the Province of Kalinga, Promoting Ecological Awareness, and Strengthening the Protection of Endangered Species and their Habitats,” na palalimin ang kamalayan ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan at sa mga nanganganib na uri ng hayop at kanilang tahanan.

Ang Season of Creation, na ginugunita mula September 1 hanggang October 4, ay itinuturing na panahon ng panalangin, pagninilay, at sama-samang pagkilos para sa kalikasan, bilang tugon sa lumalalang krisis sa klima at patuloy na pagkasira ng biodiversity.

“By adopting this ordinance, Kalinga aligns itself with a global movement that recognizes the urgent need for sustainable practices and environmental stewardship,” pahayag ng SAC Tabuk.

Nakatuwang ng SAC Tabuk sa pagsusulong ng ordinansa ang Kalinga-Apayao Religious Sector Association, Kalinga Provincial Peoples Council, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pang environmental advocates sa lalawigan.

Ayon sa mga tagapagtaguyod, ang ordinansa ay umaayon sa mga pangunahing pagpapahalaga ng Kalinga na Paniyaw, Ngilin, at Bain, na nagsusulong ng sama-samang pagkilos, paggalang sa buhay at kalikasan, at malasakit sa kapaligiran.

“Paniyaw… reflects the collective efforts of various organizations and individuals working together for a common goal—environmental protection. Ngilin… emphasizes respect for life and nature… while Bain… reinforces our responsibility to protect the habitats and species that share our home,” pagbabahagi ng SAC Tabuk.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang simbahan at mga organisasyon kay Kalinga Governor James Edduba sa kanyang mahalagang papel sa pag-apruba ng ordinansa, gayundin sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Dave Odiem, at lalo na kay Board Member Camilo Lammawin Jr., ang siyang may-akda ng panukala.

Binigayang-diin ng SAC Tabuk na ang pagpapatupad ng Season of Creation sa Kalinga ay inaasahang magpapalakas sa mga programang pangkalikasan at magtitiyak ng mas napapanatiling kinabukasan para sa lalawigan.

“The implementation of the Season of Creation in Kalinga will significantly benefit the province… and ensure a sustainable future for generations to come,” giit ng SAC Tabuk.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 5,477 total views

 5,477 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 29,793 total views

 29,793 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 65,583 total views

 65,583 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 107,395 total views

 107,395 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 160,307 total views

 160,307 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top