Kapilya sa Subic Bay Freeport, ipinasara matapos lapastanganin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,200 total reads

Ipinag-utos ng Obispo ng Diyosesis ng Iba sa Zambales ang pansamantalang pagsasara ng isang kapilya sa Subic Bay Freeport Zone matapos ang isang insidente ng tinagurian nitong paglapastangan sa banal na lugar.

Ayon kay Bishop Bartolome Santos Jr., winasak ang Chapel of San Roque at ang adoration chapel nito noong January 18, 2026 na nagdulot ng matinding dalamhati at pagkabigla sa mga mananampalataya.

Batay sa inilabas na atas ni Bishop Santos na may petsang January 19, 2026, kabilang sa nilapastangan ang katawan ni Kristo (sacred host) gayundin ang monstrance at ilang mga banal na imahe.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang insidente ay isang tahasang paglapastangan sa kabanalan ng lugar dalanginan kaya’t kinakailangang na pansamantalang isara ang kapilya para sa publiko hanggang sa makapagsagawa ng nararapat na pagsasaayos at ritwal ng pagbabayad-puri.

“It is with deep sorrow that I inform the Christian faithful that on 18th January 2026, the Chapel of San Roque in the Subic Bay Freeport Zone and its Adoration Chapel was subjected to acts of vandalism which gravely offended the sanctity of the sacred place. The Sacred Host in the Monstrance was left in pieces on the floor, the monstrance was destroyed, and sacred images were broken.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa pahayag ng Obispo, ang taong responsable sa insidente ay may suliraning pangkaisipan, na posibleng pinalala pa ng ipinagbabawal na gamot.

“These acts were committed by a person suffering from mental instability which may be due to abuse of prohibited substances.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Inihayag naman ni Bishop Santos na dahil sa kalagayang pangkaisipan ng na taong responsable sa insidente ay hindi na ito pinatawan ng anumang ‘canonical penalty’ at sa halip ay ipinagkatiwala ang nasabing indibidwal sa awa ng Diyos.

“Considering the mental condition of the person responsible, no canonical penalty is imposed. Instead, we commend him to the mercy of God and pray for his healing, while entrusting the affected community to the consoling presence of the Lord.” Ayon pa kay Bishop Santos.

Alinsunod sa Canon 1211 of the Code of Canon Law, pormal na idineklara ni Bishop Santos na ang Chapel of San Roque ay nadungisan, at ipinag-utos ang agarang pagsuspinde ng lahat ng Misa at sakramentong pagdiriwang sa kapilya.

Muli lamang bubuksan ang kapilya matapos maisagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni at ang penitential rite of reparation, bilang tugon sa tahasang paglapastangan sa Banal na Eukaristiya.

Nanawagan naman si Bishop Santos sa mga mananampalataya na manalangin, mag-ayuno, at magsagawa ng gawaing kawanggawa, kung saan umaasa rin ang Obispo na nawa’y maging daan ang pangyayari upang lalong mapalalim ang pagmamahal sa Eukaristiya at paggalang sa mga banal na lugar.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 133,586 total reads

 133,586 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 195,276 total reads

 195,276 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 240,984 total reads

 240,984 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 342,253 total reads

 342,253 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 405,059 total reads

 405,059 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top