33,526 total views
Isinusulong ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang pamamayani ng katarungan para sa mga manggagawang dumaranas ng paniniil mula sa sariling employers.
Tinukoy ng EILER ang pagbuwag sa ‘contractualization’ na ginagamit ng mga mapang-abusong employers upang lamangan ang mga manggagawa higit na sa industriya ng media o pamamahayag.
Ipinaliwanag ng EILER na ang mga contraktuwal na empleyado ay hindi inoobliga ng mga employers upang bayaran ang mga benepisyong tulad ng PhilHealth, PAG-IBIG Funds at iba pang monthly premiums.
Dahil hindi regular sa trabaho ang mga manggagawa ay hindi akma ang tinatanggap na sahod bukod pa sa mga benepisyo na magbibigay sana ng digdinad sa kanila.
“Supreme Court decision exposes how labor laws are routinely exploited to deny the workers their rights, particularly in the media industry. Under the Labor Code, project-based and short-term contracts are allowed. However, companies like GMA have long used “talent agreements” to classify employees as contractual, even when they perform regular, integral duties under company control. This practice effectively allows them to avoid providing security of tenure and statutory benefits such as SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG for years. These scenarios are not only isolated to GMA; in fact, other media giant corporations have employed similar practices, showing that contractualization is a systemic problem in the industry” ayon sa mensahe ng EILER.
Dahil dito, patuloy na panawagan ng EILER sa pamahalaan, employers at mga negosyante na isulong ang kapakanan ng mga manggagawa bago ang kita.
Panawagan ng grupo ang tunay na labor reforms at ihinto ang pananamantala ng mga employers sa kanilang manggagawa.
“Upholding the dignity of work means ensuring that labor relations be guided by social justice and the constitutional mandate to protect workers. We call for genuine labor reforms that put an end to contractualization and ensure secure employment, living wages and dignified work for all,” ayon pa sa mensahe ng EILER.
Ito ang panawagan ng EILER matapos manalo sa kanilang labor case ang 94 na dating manggagawa ng isa sa pinakamalaking media broadcasting network sa Pilipinas na tumagal ng 11-taon.
Sa desisyon ng Supreme Court, regular na ang mga empleyado na dapat makatanggap ng wastong benepisyo at suweldo kasunod ng pagbabasura sa argumento ng GMA management na ‘temporary talents’ lamang ang nasabing 94 na manggagawa.






