Agarang implementasyon ng 85-pisong wage hike, panawagan ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,188 total reads

Nanawagan ang Church People–Workers Solidarity (CWS) nang kagyat na pagpapatupad na ng 85-pesos wage hike minimum na sahod sa National Capital Region (NCR), kasunod ng pansamantalang pagpigil sa implementasyon nito dahil sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas kaugnay ng petisyong inihain ng dalawang construction company.

Ayon kay CWS National Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit na ang pagkaantala sa pagpapatupad ng wage increase ay nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga manggagawang patuloy na nahaharap sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mababang kita, at tumitinding gastusin sa pagkain, transportasyon, pabahay, kalusugan, edukasyon, at iba pang pangangailangan.

Giit ng Obispo, bagama’t kabilang ang 85-pesos wage adjustment sa pinakamalalaking wage hike sa mga nakalipas na taon, nananatili pa rin itong malayo sa isinusulong na family living wage na ngayon ay umaabot na sa 1,300-pesos upang masuportahan ng isang manggagawa ang sarili o pamilyang may limang miyembro.

“Even with the full adjustment, the NCR minimum wage remains significantly below the estimated family living wage, which studies place at more than ₱1,200 per day for a family of five. Inflation continues to erode workers’ purchasing power, while the costs of food, transportation, housing, healthcare, education, and utilities continue to rise. The wage adjustment itself is therefore not excessive. Rather, it represents only a modest step toward restoring the dignity of labor and helping workers meet their families’ most basic needs. To postpone even this limited relief places an additional burden on those who already bear the greatest weight of today’s economic challenges,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza

Ipinahayag din ng CWS ang pangamba sa legal na implikasyon ng TRO, na maaaring sumalungat sa layunin ng umiiral na mga batas sa paggawa na tiyakin ang maagap na pagpapatupad ng mga wage order.

Hinimok ng grupo ang kagyat na pag-alis sa TRO, paggalang sa mga batas ng labor laws hinggil sa implementasyon ng wage orders, pagpapatuloy ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaan, mga employer at labor groups, at pagsusulong ng mga tunay na pagbabagong maglalapit sa minimum wage sa tunay na family living wage.

“We, the Church people, walks with you in your struggle for justice, dignity, and decent work. Your labor is not merely an economic contribution; it is a participation in God’s continuing work of creation. We pray—and earnestly hope—that government, employers, labor organizations, the courts, faith communities, and all sectors of society will work together so that economic progress truly becomes inclusive, just, and life-giving for all,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Sa huli, Binigyang-diin ng CWS na ang makatarungang suweldo ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi usapin din ng dignidad ng tao at panlipunang katarungan.

Ang apela ng CWS ay kahanay ng ensiklikal na Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na nagsasabing, “To defraud anyone of wages due to a lowly worker is a crime which cries to the anger of heaven,” bilang paalala sa moral na pananagutan ng lipunan na tiyakin ang makatarungan at napapanahong sahod para sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,430 total reads

 60,430 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,926 total reads

 146,926 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,963 total reads

 189,963 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,722 total reads

 239,722 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,998 total reads

 397,998 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top